Sunshine inalala na ipinaglaban ang mga anak mula kay Cesar

Sunshine inalala kung paano pinaglaban ang mga anak nang mawalay kay Cesar, umasenso dahil sa pagiging ‘matipid’

Pauline del Rosario |July 15,2023
facebook
share this

Sunshine inalala kung paano pinaglaban ang mga anak nang mawalay kay Cesar, umasenso dahil sa pagiging ‘matipid’

Pauline del Rosario - July 15, 2023 - 01:24 PM

Sunshine inalala kung paano pinaglaban ang mga anak nang mawalay kay Cesar, umasenso dahil sa pagiging ‘matipid’

PHOTO: Instagram/@sunshinecruz718

TILA napa-throwback ang aktres na si Sunshine Cruz patungkol sa mga pinagdaanan niya nang tuluyan na silang naghiwalay ng dating asawa na si Cesar Montano.

Sa latest YouTube vlog ng veteran broadcaster na si Karen Davila, sinabi ni Sunshine na matinding hirap ang pinagdaanan niya, lalo na noong mga panahon na kinailangan niyang ipaglaban ang kanyang mga anak. 

Sey niya, “Ang hirap. It was really hard kasi ayoko naman na – ‘yung mga bata of course, ayoko naman iwan. Nilaban ko rin talaga.”

“Kasi para sa akin at that time, they were all minors and I know that they needed a mom. Sabi ko noon, ‘paano ang gagagwin ko?’ Ayoko naman mang-abala ng mommy ko, mangungutang,” paliwanag niya.

Inamin niyang takot na takot siya noon na mahiwalay kay Cesar, pero umabot na raw sa punto na hindi na niya talaga kaya.

Kung matatandaan, ayon sa mga kuwento-kuwento, ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawa ay ilang ulit na raw na nahuhuli ni Sunshine ang pambababae ng kanyang dating mister.

Baka Bet Mo: Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

“I was scared but at the same time, decided na kasi ako that time na enough is enough,” sambit ni Sunshine.

Chika pa niya, “I was with him for 13 years. I was madly in love at that time kasi talagang ‘dream guy’ ko e. Like my parents na parang fairy tale din si mama and papa. First boyfriend ni mama si papa hanggang sa nawala ang dad ko, So I wanted to be like them.”

Nabanggit pa ng aktres na “pride” ang umiral sa kanilang dalawa kaya talagang hindi naging maganda ang kanilang hiwalayan.

“Kailangan masaktan namin ‘yung isa’t-isa. Mapahirapan namin ‘yung isa’t-isa. So ‘yun ‘yung nangibabaw sa amin,” saad niya.

Ani pa niya, “I wanted my freedom. He wanted the kids back. I wanted the kids for myself. So ang hirap hirap talaga that time.”

Gayunpaman, kahit maraming masasakit ang napagdaanan nilang dalawa ay nagawa pa rin nilang magpatawad sa isa’t-isa.

Sey ni Sunshine, “Sabi ko nga lahat ng pain, lahat ng sugat ay naghi-heal. So ‘yun ‘yung dumating sakin na parang nakikita ko ‘yung mga bata kapag kasama nila ‘yung tatay nila, they’re very, very happy.”

“So bakit ko pagkakait ‘yun sa mga bata? And eventually you wake up someday and you’re healed,” dagdag niya.

Chinika rin ng dating sexy star na isa sa mga tumulong sa kanya noong naging single mom na siya ay ang ABS-CBN.

“Pagdating sa pera, kasi ‘nung nalaman agad that time ng ABS-CBN na mahihiwalay na ako, nagkaroon na agad ng offer, ang daming dumating na trabaho sa akin,” kwento niya.

Patuloy niya, “So hindi ako nag-struggle. Though I was renting a house that time, may pambayad ako.”

Plus points din daw siyempre ang pagiging matipid kaya marami rin siyang naipon hanggang sa nakapagpundar siya ng bahay.

“I think malaking tulong talaga ‘yung matipid, ‘yung alam mo ‘yung priorities mo sa buhay,” ani ni Sunshine.

Dugtong pa niya, “And then eventually ito nakaipon ako. Nakabili ako ng maayos na bahay, hindi man ganun kalaki pero at least komportable kami.”

Kamakailan lang ay kinumpirma ni Sunshine na hiwalay na siya sa kanyang partner na si Macky Mathay.

Si Cesar naman ay maligayang-maligaya ngayon sa partner niyang si Kath Angeles.

Last August 2022, nagkasama-sama pa sina Sunshine, Macky at Cesar sa 18th birthday celebration ng ex-couple na si Samantha Cruz.

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2010 at biniyayaan nga sila ng tatlong anak na sina Angelina, Samantha, at Angelica. 

Napawalang-bisa ang kanilang marriage noong 2018.

Related Chika:

Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Cruz sa muling pagkikita nila ni Cesar Montano: God’s perfect timing!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending