Cesar Montano senior citizen na, super happy nang makumpleto ang anak sa 60th birthday party Bandera

Cesar Montano senior citizen na, super happy nang makumpleto ang anak sa 60th birthday party

Ervin Santiago |August 04,2022
share this

Cesar Montano senior citizen na, super happy nang makumpleto ang anak sa 60th birthday party

Ervin Santiago August 04, 2022 - 09:51 AM
Cesar Montano nakasama ang mga anak sa 60th birthday celebration

Cesar Montano nakasama ang mga anak sa 60th birthday celebration

SUPER happy at feeling thankful ang award-winning veteran actor na si Cesar Montano sa selebrasyon ng kanyang 60th birthday kamakailan.

Bukod sa pagiging certified senior citizen na ngayon, nagpapasalamat si Cesar na nakumpleto ang kanyang mga anak sa selebrasyon ng kanyang kaarawan nitong nakaraang August 1.

Ibinahagi niya sa Instagram kahapon, August 3, ang ilang pictures na kuha sa kanyang birthday celebration kung saan kasama nga ang mga anak.

Kung hindi kami nagkakamali, 10 ang mga anak ni Cesar — dalawa sa unang niyang asawa na namayapa (Marilyn Polinga), isa kay Teresa Loyzaga, tatlo kay Sunshine Cruz, isa sa dating beauty queen na si Sandra Seifert at tatlo sa kasalukuyan niyang partner na si Kath Angelea.

Ani Cesar sa una niyang IG post, “I can’t be more happy with my children all present on my birthday. I love you so much guys!

“You are my life true blessings and treasure. Thank you for joining your dad’s especial day. God bless you.(smiling, praying hands, heart, musical score emojis),” mensahe pa ng premyadong aktor.

Sa ibinahagi niyang litrato makikita ang mga anak niyang sina Angela Manhilot (anak niya kay Marilyn Polinga); Diego Loyzaga (anak niya kay Teresa Loyzaga); Angelina, Chesca at Sam Cruz (mga anak niya kay Sunshine Cruz).

Ang iba pang nasa photo ay mga anak niya kina Sandra Seifert at Kath Angeles. May isa pang anak si Cesar kay Marilyn, si Angelo Manhilot na namatay noong 2010.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cesar Montano (@cesarbuboymontano)


Sa sumunod namang post ni Cesar, special mention ang tatlong dalagang anak kay Sunshine, “Mi bella Tres Marias on my birthday (smiling face with smiling eyes, hearts, praying hands emojis).”

Samantala, kanya-kanya namang pagbati sina Diego, Angelina, at Sam sa kanilang tatay na ibinahagi nila sa kanilang Instagram accounts.

Nag-post si Diego ng throwback photo nila ng ama na may caption na, “Happy birthday to this handsome man @cesarbuboymontano I love you Dad!”

Nag-share rin si Sam ng lumang litrato nilang magkakapatid kasama ang ama, “Happy birthday daddy! I love you (heart emoji).”

Sa kanyang IG Stories naman nagbahagi si Angelina ng picture nila ni Cesar na kuha sa birthday celebration ng aktor. Aniya sa caption, “Had fun during your birthday celebration daddy! We all love you @cesarbuboymontano.”

Napapanood naman ngayon ang mag-amang Cesar at Diego sa kontrobersyal na Viva Films movie na “Maid In Malacañang” kung saan gumaganap sila bilang sina Ferdinand Marcos, Sr. at President Bongbong Marcos.

Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama

Cesar sa bashers: Hintayin na lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin, it’s unfair to judge him now

Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending