Yassi Pressman ‘role model’ si Anne Curtis: 'I love her so much!' | Bandera

Yassi Pressman ‘role model’ si Anne Curtis: ‘I love her so much!’

Armin P. Adina - November 09, 2022 - 10:33 AM

Yassi Pressman

Yassi Pressman/ARMIN P. ADINA

NAGPAPASALAMAT ang actress-dancer-singer na si Yassi Pressman tuwing nalalamang nagsisilbi siyang inspirasyon para sa iba na subukan ang sining, o iba pang landas. Ngunit inamin niyang siya rin mismo nakahahanap ng inspirasyon mula sa ibang tao.

“I love Ate Anne (Curtis) so much. She is a person that has a lot of values aside from talent, aside from beauty,” sinabi ni Pressman sa Inquirer sa isang panayam sa launch event kagabi para sa kanya bilang “2023 Ginebra Calendar Girl”.

Yassi Pressman

Yassi Pressman/ARMIN P. ADINA

“She’s been here for so long, ibig sabihin patuloy niya lang ginagalingan at pinupursigihan ang trabaho niya. So I really respect people like that,” pagpapatuloy ni Pressman. Si Curtis din minsan nang naging calendar girl ng kumpanya noong 2011.

Naging lantad si Pressman sa mga personal niyang pagbuno sa buhay, at mga pasaning pangkalusugan. Ibinahagi niya sa event na natuklasan niyang kinakailangan niya ang panahong nag-“let go” siya at hindi nagpadala sa “pressure” na mapanatili ang itsura.

Inilahad din ng British-Filipino celebrity na kusa niyang napagtanto kung kailan muling tahakin ang “road to fitness” na walang pag-uudyok mula sa ibang tao. “I thought I had to get back in shape for my health,” aniya.

Kasama ni Yassi Pressman (pangalawa mula kaliwa) ang ‘calendar girl’ predecessor niyang si Chie Filomeno (pangalawa mula kanan), ang unang Pilipinang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, at mixologist na si Tabitha Rice

Kasama ni Yassi Pressman (pangalawa mula kaliwa) ang ‘calendar girl’ predecessor niyang si Chie Filomeno (pangalawa mula kanan), ang unang Pilipinang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, at mixologist na si Tabitha Rice./ARMIN P. ADINA

Sinabi ni Pressman na ikinagagalak niyang ma-inspire ang ibang tao na tanggapin ang sariling katawan at kilalanin ang mga nararamdaman, at inaming mahalaga para sa kanya na maging isang role model, “100 percent.”

Paliwanag niya, “I think without my role models as well, who are non-show biz, I wouldn’t be here. So if I am in a position like this with a platform, and blessed to have so many people who are following, I’d rather not only share selfies, but also inspirational messages and make them smile or laugh.”

Pinaalalahanan naman ni Pressman ang mga tagasubaybay na hindi kinakailangang laging magbahagi ng “big things” upang magsilbing magandang halimbawa sa iba. “Pwedeng mga kalokohan lang, you know, little things. Sayang eh, we reach so many people na.”

Sinundan niya si “Dance Vixen” Chie Filomeno na siyang naging calendar girl ngayong taon. Anim ang disenyo ng kalendaryo na kinatatampukan ni Pressman para sa 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending