Anne Curtis magbabalik na sa 'It's Showtime': AbangANNE! | Bandera

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime’: AbangANNE!

Therese Arceo |May 19,2022
facebook
share this

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime’: AbangANNE!

Therese Arceo - May 19, 2022 - 06:28 PM

Anne Curtis magbabalik na sa 'It's Showtime': AbangANNE!

MUKHANG nalalapit na ang pagbabalik ng nag-iisang dyosa na si Anne Curtis sa “It’s Showtime” kung saan halos tatlong taon siyang nawala.

Base sa mga teaser na lumalabas kahapon, May 18, ay hindi na maiwasan ng madlang pipol ang magsaya lalo na’t mataga na rin siyang hinhanap ng netizens.

Bagamat hindi direktang sinabi na si Anne nga ang magbabalik sa Kapamilya noontime show ay bigay na bigay na rin ang kanyang pangalan sa mga inilabas na teaser ng ABS-CBN PR sa kanilang Instagram page.

“ANNEdito na siya! Abangan sa It’s Showtime,” caption ng ABS-CBN PR sa kanilang video teaser.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

Bukod pa rito ay maririnig sa teaser ang boses ng aktres habang sinasabi ang famous line nitong “My superduper fabulous, sexy, machong madlang pipol” bilang parte ng opening greetings niya sa mga manonood ng “It’s Showtime”.

“Yehey! Can’t wait to finally see you again sa It’s Showtime Ms. Anne, welcome back!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Wow! Ang pagbabalik ng dyosa! Excited na!”

May isa pa nga na nang-i-intriga na sa pagbabalik ni Anne ay tatabggalin na ang isa sa mga kasalukuyang hosts na si Kim Chiu.

‘Yes!!!! Kim Is out pls ang thank you!!!!” sey ng netizen.

“I’m so excited to watch Anne Curtis in tv! Hehehehe. Kailan kaya ito?” tanong naman ng isa.

Wala ring sinabi kung kailan nga magbabalik ang ina ni Dahlia sa show ngunit marami ang looking forward na makita ito ngayong darating na Sabado, May 21.

Matatandaang noong 2019 ay nagdesisyon si Anne na magpaalam nuna sa “It’s Showtime” dahil kasalukuyan niyang dinadalo noon ang panganay nila ng asawang si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.

Taong 2020 naman ay nagkaroon ng COVID-19 pandemic na naging dahilan para manatili pa nang mas matagal ang aktres sa Australia kung saan nito isinilang ang anak kasama ang asawa.

Ngayon nga ay unti0unti nang bumabalik sa limelight ang sexy momma at ready na ulit magpasaya ng madlang pipol.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Anne Curtis muling nakipagkulitan sa ‘It’s Showtime’ family, balik noontime show na kaya?

Rufa Mae payag na sa mga mother roles: Kasi dati puro funny, sexy… ngayon puwede na akong maging ina

Anne Curtis magbabalik telebisyon na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending