Anne Curtis muling nakipagkulitan sa 'It's Showtime' family, balik noontime show na kaya? | Bandera

Anne Curtis muling nakipagkulitan sa ‘It’s Showtime’ family, balik noontime show na kaya?

Therese Arceo |March 25,2022
facebook
share this

Anne Curtis muling nakipagkulitan sa ‘It’s Showtime’ family, balik noontime show na kaya?

Therese Arceo - March 25, 2022 - 12:40 PM

Anne Curtis muling nakipagkulitan sa 'It's Showtime' family, balik noontime show na kaya?

MULING nakasama ni Anne Curtis ang kanyang “It’s Showtime” family sa isang dinner kagabi, March 24.

Ibinahagi ng co-host nitong si Teddy Corpuz ang kanilang groupie sa kanyang Instagram account.

“Sarap ng family dinner and great seeing you again, Annie! (Anne)” saad ni Teddy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝕿𝖊𝖉𝖉𝖞 𝕮𝖔𝖗𝖕𝖚𝖟 (@teddspotting)

Makikita rin na kasama nila sa picture ang isa sa mga bossing sa ABS-CBN na si Tita Cory Vidanes.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens ang ma-curious kung ito na nga ba ang pagpaparamdam ni Anne sa kanyang pagbabalik sa “It’s Showtime”.

“Ang sayang makitang unti-unti na kayong nakukumpleto. Kuya Jhong na lang kulang talaga,” comment ng isang netizen.

“Sarap sa mata na kasama nyo si Ms. Anne,” saad naman ng isa pa.

Tanong naman ng isa, “Magbabalik na po si Ate Anne sa Showtime?”

Matagal nang nagpaparinig si Vice Ganda sa kanyang sisteret na bumalik na sa noontime show.

Matatandaang pansamantala munang namaalam si Anne sa show nang ipagbuntis nito ang kanilang first baby ni Erwan na si Dahlia Amelie.

Dalawang taon na rin na naka-showbiz hiatus ang aktres buhat nang manganak ito kaya naman marami ang excited sa muling pagbabalik nito sa pelikula at telebisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyways, siguradong mas magiging masaya ang tanghali ng madlang pipol sakaling totoo nga na magbabalik na sa telebisyon ang nag-iisang dyosang si Anne at paniguradong excited na ang mga supporters ng aktres na makitang muli ang pakikipagkulitan nito sa “It’s Showtime” hosts lalo na sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.

 

Related Chika:
Anne Curtis magbabalik telebisyon na nga ba?
Anne Curtis, Sarah Geronimo magbabalik pelikula na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending