Anne Curtis magbabalik telebisyon na nga ba? | Bandera

Anne Curtis magbabalik telebisyon na nga ba?

Therese Arceo |February 18,2022
facebook
share this

Anne Curtis magbabalik telebisyon na nga ba?

Therese Arceo - February 18, 2022 - 08:18 PM

Anne Curtis magbabalik telebisyon na nga ba?

MATAPOS ang dalawang taong ng pamamahinga sa nakakasilaw na mundo ng showbiz ay mukhang magbabalik nang muli ang nag-iisang dyosang si Anne Curtis.

Kahapon, February 17, ay naglabas ito ng bagong video sa kanyang social media na tila nagpapahiwatig ng kanyang muling pagbabalik.

“This is for everyone I LUV,” saad ni Anne sa kanyang post.

“Get Ready”, “She’s back,” ilan lamang ito sa mga nakasulat sa video kung saan makikita siyang nagpo-pose sa kamera habang ibinabandera ang kanyang sexy figure.

Sa huling parte ng video ay makikita rin ang aktres na may hawak na mikropono.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Bukod sa kanyang pa-teaser ng kanyang pagbabalik ay ipinagdiwang rin ni Anne ang kanyang ika-37th birthday kahapon.

Nag-ala Audrey Hepburn nga ang asawa ni Erwan Heusaff sa kanyang birthday post.

“Waking up happy and very, very grateful. Today is going to be a beautiful day,” saad nito sa kanyang post.

Bumaha naman ng pagbati mula sa mga netizens at mga kaibigan sa industriya ang naturang post ni Anne,

Ilan sa mga nakaalala sa kanyang special day ay sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Raymond Gutierrez, Solenn Heusaff, Luis Manzano, at marami pang iba.

“Hello 37. Thank you for all the birthday love,” pasasalamat ni Anne sa mga nakaalala sa kanya.

“Please forgive the flood today… hope you don’t mind since it’s my (birthday)!” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang kinakailangang magpahimga muna noon ni Anne sa pag-aartista dahil anim na buwan na siya sa kanyang ipinagbubuntis noon na si baby Dahlia.

March 2020 nang manganak ang aktres sa Melbourne, Australia kung saan namalagi sila nang matagal dahil na rin sa paghihigpit ng seguridad kontra COVID-19 virus.

Related Chika:
Jasmine na-shock nang mapagkamalang nanay ni Anne
Anne Curtis, Sarah Geronimo magbabalik pelikula na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending