Jasmine na-shock nang mapagkamalang nanay ni Anne | Bandera

Jasmine na-shock nang mapagkamalang nanay ni Anne

Alex Brosas |May 18,2021
facebook
share this

Jasmine na-shock nang mapagkamalang nanay ni Anne

Alex Brosas - May 18, 2021 - 05:05 PM

SHOCKED si Jasmine Curtis-Smith nang mapagkamalan siyang nanay ni Anne Curtis ng isang netizen.

Actually, Jasmine is the younger sister of Anne at 10 years ang kanilang age gap. That makes Anne her ate.

In her TikTok video, one can see the netizen’s question: “Di ba po anak nyo po si Ms Anne?”

Understandably, gulat na gulat si Jasmine who replied, “Ehhhhhh, ten years akong mas bata sa kanya.”

Nag-react ang netizens sa post na iyon ni Jasmine.

“Mas matanda ka pong tingnan kay ate anne hehe ganyan pagbunso napagkakamalang panganay,” said one netizen.

Sinagot naman ito ni Jasmine na, “Sana naging Ate ako hindi Nanay sa pag-iisip niya.”

“Akala ko po pamangkin mo si miss anne,” said another netizen. To which Jasmine replied, “Bakitttt?”

“Bakit Smith ka po kasal ka na po ba?” tanong maman ng isang fan.

“Our great grandparents were not allowed to marry hanggat di pinagsama ang Curtis and Smith, panahong nagaaway away mga British, Irish, Scots,” sagot ni Jasmine.

“Ang ganda kasi ni Ate anne ang fresh baka po kaya napagkamalan kang nanay niya,” said one fan.

“So in other words, nagmana sya sa akin,” Jasmine replied.

“Ay akala ko ampon nyo po sya,” mataray na say ng isang netizen.

“Hoooooyyyyyy,” tili naman sa kanya ni Jasmine.

* * *

Gabi-gabing nabubusog sa aksyon, inspirasyon, kilig, at aliw ang mga Pilipino sa panonood nila sa TV5 ng mga ABS-CBN teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” “Init sa Magdamag” at Asianovelang “Count Your Lucky Stars.”

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TV Plus box, para mapanood sa TV5 ang mga bagong episode ng mga bakbakan ni Cardo, mga himala nina Mira at Joy, mga mapupusok na eksena ni Tupe, at ang pagpapakilig ni Jerry Yan sa bago niyang serye.

Subaybayan ang pambansang teleseryeng “FPJ’s Probinsyano” at ang maaaksyong pakikipagsapalaran ni Cardo (Coco Martin) kasama si Lia (Jane De Leon) sa patuloy niyang paghahanap ng hustisya para sa kanyang namatay na asawa.

Makakakuha naman ng inspirasyon sa “Huwag Kang Mangamba,” kung saan unti-unting napapalapit nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) ang mga tao sa Hermoso kay Bro habang umiigting ang paghahanap nila ng pondo sa pagtatayo ng simbahan sa bayan.

Nakatakda namang bumalik ang nakaraan sa “Init sa Magdamag,” kung saan nagkakalapit ang mga mundo ng dating magkasintahang sina Tupe (Gerald Anderson) at Rita (Yam Concepcion) dahil sa pagsasama nila sa isang proyekto.

Magle-level up naman ang kilig at drama nina Calvin (Jerry) at Andi (Shen Yue) sa Tagalized na “Count Your Lucky Stars” pagkatapos umamin ni Andi na may gusto siya kay Calvin habang lasing ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa ang TV5 sa platforms kung saan nae-enjoy ang mga palabas ng ABS-CBN sa patuloy nitong paghahanap ng paraan na maabot ang mga Pilipino nasaan man sila. Kamakailan, inilunsad ng ABS-CBN ang “Andito Kami Para Sa’ Yo” plug sa social media, isang taon matapos itong mawala sa ere, para ipaalala sa mga Pilipinong andito pa rin ang ABS-CBN para maglingkod at magpalabas ng mga programa sa free TV, cable TV, at online.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending