Anne Curtis, Sarah Geronimo magbabalik pelikula na | Bandera

Anne Curtis, Sarah Geronimo magbabalik pelikula na

Reggee Bonoan - August 20, 2021 - 06:14 PM


MAY naka-line up nang movie projects sina Anne Curtis at Sarah Geronimo na prime artists ng Viva Films sa matagal na panahon dahil base sa mga ipinalalabas ngayong pelikula sa Vivamax ay pawang mga baguhan ang bida.

Sa ginanap na zoom mediacon para sa Vivamaxxed nitong Huwebes ay ito ang isa sa itinanong kay Vincent del Rosario, president at COO ng Viva Communications.

Aniya, “Si Sarah naman did a content hindi nga lang sa feature or series, ginawa niya ‘yung Tala (concert), that was her contribution to Vivamax outside of the fact na siya ‘yung brand ambassador ng Vivamaxxed. Si tita June (Rufino) consolidating materials to be pitched to Sarah so were hoping that sa movies makapag-start na siya ng production. Doon naman sa case ni Anne, she agreed to do an Erik Matti series (and) wala lang sa reel kasi ‘yung reel kanina is for bottom up for 2021.”

Horror series daw ang gagawin ni Anne kay Direk Erik na naging direktor ng aktres sa first action movie niyang “Buy Bust” na napapanood ngayon sa Vivamax at sa Netflix.

“Si Erik ang magdidirek at si Dondon (Monteverde) ang line producer at sa January 2022 na. Natagalan ‘to kasi si Anne is having a baby kaya iwas muna sa labas-labas but she promise to get this on by January or February,” sabi pa ni boss Vincent.

At posibleng magkaroon din ng concert documentary si Anne bago matapos ang 2021.

Samantala, natanong namin ang Viva boss kung ilang pelikula ang target nilang gawin this 2021 at kung puro sexy movies lang talaga dahil ito ang malakas sa Vivamax.

“The commitment is to release one content a week na original. Can be two end of the year. ‘Yung sexy don maybe more than 20%. At least 50 in 12 months,” sagot ni boss Vincent.

Natanong din kung mas madaling gumawa ng content or films ng walang restriction or censorship dahil hindi to sakop ng MTRCB.

“Mas may creative freedom ka na gumawa ng films that gustong gumawa series or any content. Careful pa rin kami,”sagot ng bossing ng Viva.

Anyway, sobrang nagpapasalamat ang Viva dahil noong January 29, 2021 lang ini-launch ang Vivamax na umabot na sa mahigit 600,000 ang subscribers nila and still counting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending