Anne Curtis, Gerald Anderson muling sasabak sa aksyon, bibida sa 'BuyBust The Series' | Bandera

Anne Curtis, Gerald Anderson muling sasabak sa aksyon, bibida sa ‘BuyBust The Series’

Reggee Bonoan |February 02,2023
facebook
share this

Anne Curtis, Gerald Anderson muling sasabak sa aksyon, bibida sa ‘BuyBust The Series’

Reggee Bonoan - February 02, 2023 - 05:47 PM

Anne Curtis, Gerald Anderson muling sasabak sa aksyon, bibida sa 'BuyBust The Series'

Gerald Anderson at Anne Curtis

HINDI binanggit ng aming source kung anong buwan ngayong 2023 ang shooting nina Anne Curtis at Gerald Anderson para sa seryeng “BuyBust” na ididirek ni Erik Matti.

Yes, ang dating pelikulang “BuyBust” noong 2018 na idinirek din ni Erik Matti na si Anne ang bida kasama sina Victor Neri, Brandon Vera, Alex Calleja, Joross Gamboa, Levi Ignacio, Nonie Buencamino, Mara Lopez at Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde, ay gagawin nang series at mapapanood sa HBO.

Ang “BuyBust” ang comeback acting project ni Anne pagkatapos ng ilang taon niyang pamamahinga matapos nanganak na nasabay pa sa COVID-19 pandemic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Kuwento pa ng aming source, na maraming napagsabihan si direk Erik na gagawing series ang “BuyBust” dahil open ending naman ito at marami pang kuwentong puwedeng gawin.

“Excited lahat ng nakaalam sa plano ni direk Erik sa BuyBust kasi di baa ng ganda nu’ng movie, so more or less ganito rin lalo’t sa HBO ito mapapanood. Ang taray di ba?” masayang sabi rin ng aming kausap.

Sa madaling salita, mawawala na naman si Anne sa “It’s Showtime” pagkatapos niyang makabalik noong Mayo, 2022 kapag nagsimula na siya ng BuyBust shooting?

Knowing direk Erik, matagal siyang mag-shoot na inaabot ng mahigit isang buwan depende sa availability ng lahat ng artista at ng weather.

Isa rin kami sa excited sa series na ito dahil napanood namin ang movie version at malamang na sasabak na naman si Anne sa training dahil hard action ito.

Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako…

Anne Curtis inilantad na rin ang tunay na ‘kulay’ sa politika

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica magiging nanay na raw, buntis na sa panganay nila ng non-showbiz dyowa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending