Angelica magiging nanay na raw, buntis na sa panganay nila ng non-showbiz dyowa? | Bandera

Angelica magiging nanay na raw, buntis na sa panganay nila ng non-showbiz dyowa?

Reggee Bonoan |March 06,2022
facebook
share this

Angelica magiging nanay na raw, buntis na sa panganay nila ng non-showbiz dyowa?

Reggee Bonoan - March 06, 2022 - 09:14 PM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

BUNTIS nga ba si Angelica Panganiban kaya hindi muna siya tumatanggap ng projects ngayon?

Tsika ng aming source, nasa interesting stage raw ngayon ang aktres at masayang-masaya siya dahil matutupad na ang matagal niyang pangarap na magkaanak.

Matatandaang nabanggit niya rati na gusto na niyang magka-baby pero at that time ay wala pa sa buhay niya ang kasalukuyan niyang boyfriend na si Gregg Homan.

“Buntis si Angge kaya tumatanggi siya sa project. Actually may gagawin sana siya kaso pass daw muna at need niyang magpahinga.  E, yun pala dyontis ang lola mo,” sabi ng aming source.

Alam naman daw ito ng mga boss ng ABS-CBN kaya binati nila si Angelica.

Hmmmm, ito kaya ang dahilan kaya nag-imbita ng dinner si Angel Locsin six days ago sa bahay nila ng asawang si Neil Arce kasama ang mga kaibigang sina Dimples Romana, Bea Alonzo, Anne Curtis at Angelica para sa big reveal?

Present din sa reunion dinner ng magkakaibigan ang love of their life tulad ni Gregg for Angelica, Dominic Roque na boyfriend ni Bea at siyempre ang husband ni Gel na si Neil.  Bukod tanging sina Dimples at Anne ang hindi kasama ang kanilang mga asawa.

Ang caption ni Angel sa mga larawang pinost niya sa IG account niya ay, “About last night. Cue ‘Do-Re-Mi’ soundtrack.”

Komento ni Dimples sa post ni Angel, “LOVE YOU MARS! Love you ladies!!! What a happy night!!!”

“Love you girls,” say naman ni Bea.

Komento ni Angelica, “Love you Mars.”

Sabi naman ni Anne, “Missed you guys soooo much!!”

Sinundan pa ito ng post ni Anne sa sarili niyang IG, “Missed these ladies so much! Imagine 2 years worth of catching up! 

“They finally got to meet my little one too. Thank you tita Gel for showing her your cutie chickens! (Tita Bea, next time promise!) Thank you Dahlia and @erwan for letting me stay a little longer to have some chika/maritess time with this lot.”

“Till the next one mga mars. Let’s not wait too long.”

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Ang caption naman ni Bea sa larawan nilang magkakaibigan, “Sunday fun day!! Reunion with my favorite girls!”

“Grabe, namiss ko kayo sobra!! Thanks, Gel and Neil for hosting!”

Nag-post din si Dimples sa IG niya ng, “LOVE and HAPPINESS. Nothing makes me happier than to see my dearest friends so happy and beaming with so much beauty and love. God is good.”

Sabi naman ni Angelica, “And.. Just like that.”

Sabi pa ng aming source, “It’s about time na magka-baby na siya may edad na rin naman siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa BANDERA, binabati namin si Angelica at ang boyfriend niyang si Gregg.

Angelica sa mga babaeng iniwan: Mahalin ang sarili at dapat alam n’yo ang mga karapatan n’yo

True ba, Angelica biglang nagkasakit kaya pinalitan ni Pia sa ‘My Papa Pi’ ni Piolo?

Angelica nagsisi nang ayawan ang ‘Four Sisters And A Wedding’: Hindi ko pa rin siya pinapanood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending