Carlos Yulo dedma sa ina, mensahe sa ama: Mahal na mahal kita

Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita

Ervin Santiago - August 06, 2024 - 08:08 AM

Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita

Mark Andrew Yulo, Carlos Yule at Angelica Yulo

IPINARAMDAM ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang pagmamahal sa kanyang amang si Mark Andrew Yulo.

Ito’y matapos matanggap ang madamdaming mensahe ng kanyang tatay na proud na proud sa pagkapanalo niya ng dalawang gintong medalya sa nagaganap na Paris Olympics 2024.

Baka Bet Mo: Tom gumawa ng tula para sa 35th b-day ni Carla; naghiwalay muna bago ikasal

Habang hinuhusgahan ng mga netizen ang nanay ni Carlos na si Angelica Yulo dahil sa pangnenega nito sa anak at sa isyu ng kaperahan, puring-puri naman ng publiko ang tatay niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by FIG Gymnastics (@figymnastics)


Sa mga panayam sa batambatang Pinoy champ, muli niyang iwinagayway ang bandera ng Pilipinas at nagpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang laban sa 2024 Paris Olympics kung saan nakakuha siya ng dalawang gold medals para sa Artistic Gymnastics.

Nakuha ni Carlos ang unang gold medal ng Pilipinas sa men’s floor exercise event na ginanap sa Bercy Arena noong Sabado, August 3.

Sinundan ito ng pagiging champion ng binata sa men’s vault finals sa score na 15.116 last Sunday, August 4, na nagbigay ng ikalawang ginto sa bansa sa Paris Olympics.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo tinalakan ng netizens: Kapal ng mukha!

“Wish ko lang, safe and magandang performance para sa kanila. I know that they can do it. Have fun.

“Napaghirapan na natin ‘yung mga practice, ipakita natin kung ano ‘yung kaya nating gawin,” ani Carlos.

Kasunod nga nito ay nagbigay siya ng message para sa pinakamamahal na ama, “Mahal na mahal ko ‘yung tatay ko. Grabe ‘yung suporta na ibinibigay n’ya. Thank you sa suporta pa, mahal na mahal kita.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paris2024 (@paris2024)


Sa isang hiwalay na panayam sa tatay ni Carlos na si Mark Andrew, sinabi nitong ipinagdarasal niya ang pagkakasundo-sundo ng kanilang pamilya at ang kapanatagan ng kalooban ng kampeon ng anak.

Hanggang ngayon naman ay wala pang mensahe si Carlos para sa kanyang inang si Angelica na bugbog-sarado nga sa bashers dahil sa hindi nito pagsuporta sa laban ng anak sa Paris Olympics.

Patuloy na pinag-uusapan ngayon ng mga Marites sa social media ang hidwaan ng mag-ina na sinasabing nag-ugat nang dahil sa isyu ng pera.

Inaakusahan kasi si Angelica na winaldas umano ang savings ni Carlos na mariin naman niyang itinanggi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanindigan siya na hindi nila niloloko si Carlos pagdating sa pera, “Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya. Siguro meron portion na hindi man lang sabihin mong aaray yung bulsa niya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending