Carlos Yulo ni-repost ang 'may magulang palang ganyan’ post

Carlos Yulo ni-repost ang ‘may magulang palang ganyan’ post, netizens nagulat

Pauline del Rosario - August 05, 2024 - 03:04 PM

Carlos Yulo ni-repost ang 'may magulang palang ganyan’ post, netizens nagulat

PHOTO: Instagram/@c_edrielzxs

MAY bagong nagte-trending matapos mag-viral ang post ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo.

Ito ‘yung isa sa mga reaction posts na ibinandera ng TikTok user @yowksss17 matapos ihayag ng nanay ni Carlos ang kanyang suporta sa kalaban ng anak sa Paris Olympics 2024.

Bago kasi makuha ni Carlos ang gintong medalya ay unang nag-champion sa ibang kategorya ang Japanese gymnast na si Shinnosuke Oka.

Ang caption pa ni Angelica sa shinare niyang balita noong August 1, “Japan pa din talaga…Lakas [flexed biceps, face with rolling eyes emojis].”

Anyway, heto ang panimula sa viral post ng netizen: “I now understand why Carlos Yulo’s gf DESERVES to be recognized too.”

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

Paliwanag niya, “Imagine being there for your bf when his OWN family doesn’t support him. His mother also had the guts to share posts saying ‘Japan pa rin talaga…’ while her son is literally competing too.”

“May mga magulang pala talagang ganyan,” aniya pa niya sa dulo ng kanyang caption sa video.

@yowksss17 still, congrats carlos yulo! #fyp ♬ Scott Street (Slowed Down) – Phoebe Bridgers

Bukod sa umaani na ito ng halos 4.5 million views at mahigit 566,000 reacts, ni-repost din ito mismo ni Carlos.

Carlos Yulo ni-repost ang 'may magulang palang ganyan’ post, netizens nagulat

PHOTO: Screengrab from TikTok/@carlosedriel

Maraming netizens ang nakapansin nito kaya naman lalong naging maingay ang isyu sa pagitan ng mag-ina.

Narito ang ilan sa mga sentimyento ng mga nag-comment sa nabanggit na reaction post:

“Omg ni-repost ni Carlo [sad face emoji]“

“Kaya naniniwala na talaga ko na kapag grabe ang heartaches na naranasan mo may kapalit naman ‘yun na biggest blessing na pinagdarasal mo [holding back tears emoji] congrats again sa pambansang sonny angel carlos yulo [clapping hands, gold medal, Philippine flag emojis].”

“Na-shock ako…na-repost ni Carlos Yulo”

“‘Di ko alam kung bakit ganun trato ng nanay niya sa kanya e sobrang bait naman ni Carlos Yulo sobrang humble pa nakasama ko na kasi siya [red heart emoji]”

“I remember may mga tao that bashed Caloy just because he had more time with his gf [crying emoji] sabi nila si Chloe raw ang magiging dahilan ng downfall ni Caloy”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I can’t imagine na may nanay na ganon. Nakakalungkot sobra, yakap ng mahigpit sa ating Golden Boy, Carlos Yulo.”

“Kaya pala nagtataka ako kapag inii-stalk ko mga kapatid niya, tas mapupunta ako sa account ng mama niya, walang post or tags man lang na kasama si Caloy, puro mga kapatid niya lang [sad face emoji]“

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending