Ina ni Carlos Yulo ‘kinarma’ matapos suportahan ang Japan kaysa sa anak
MATAPOS makuha ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo ang gold medal sa Paris Olympics 2024, biglang naging usap-usapan sa social media ang kanyang ina na si Angelica.
Paano ba naman kasi, tila naging sampal sa kanya ang pagkapanalo ni Carlos matapos ibandera sa social media ang kanyang pagsuporta sa bansang Japan kaysa sa anak.
Magugunitang unang nanalo ng gold medal ang Japanese gymnast na si Shinnosuke Oka sa kategoryang men’s all-around final, habang si Carlos ay nagtapos lamang ng 12th place.
Ang caption pa ni Angelica sa shinare niyang balita noong Agust 1, “Japan pa din talaga…Lakas [flexed biceps, face with rolling eyes emojis].”
Baka Bet Mo: Eruption naloka sa ‘Last Supper’ parody ng Paris Olympics, Rica nagtaka
Tila binalikan naman ng maraming netizens ang post na ito ng ina ni Carlos at inihayag ang kanilang pang-aasar.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Ayan may fully-furnished condo na si Caloy worth Php24-M pesos! Plus may Php 10-M pesos pa from the Philippine government. Anong masasabi mo mader dear? [smiling face emoji]”
“Hahahaha. Karma nga naman. Panalo na si Carlos, tapos ngayon wala kang masabi? [smiling face emoji]”
“Grabe may nanay pala talagang ganito [laughing emoji]”
“Just a reminder that your other son just bagged our country its second-ever gold. Maybe you should say something about that. I know you’re online kasi you’re removing tags from well-wishers congratulating you on your son’s remarkable achievement. Care to explain?”
Sinearch namin kung ano ang isyu sa pagitan ng mag-ina at ang nakita naming chika, itinakwil umano ni Angelica ang kanyang anak matapos malaman ng huli na nilustay ng kanyang pamilya ang mga naipon niyang pera bilang isang atleta.
Trulili kaya ito? Bukas ang BANDERA sa pahayag ng dalawang panig upang mabigyang-linaw ang kumakalat na isyu.
Samantala, bilang nagwagi ng gold medal si Carlos sa Olympics, siya ay makakatanggap ng P10 million, ayon sa mandato ng Republic Act 10699 na nilagdaan noong 2015.
Plus bibigyan pa siya ng P3 million ng Kamara o House of Representative bilang suporta sa nakamit na tagumpay at pagbibigay karangalan sa bansa.
Bukod diyan ay magkakaroon na rin siya ng fully-furnished two-bedroom condo unit sa McKinley Hill sa Taguig City na nagkakahalaga ng P24 million na bigay naman ng property giant Megaworld Corp.
Kung matatandaan, ang unang nagwagi ng gold medal para sa bansa ay ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz na lumaban noon sa women’s 55 kg weightlifting category ng Tokyo Olympics 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.