Manny Pacquiao hindi pinayagang lumaban sa Paris Olympics, anyare?
KAHIT isa nang boxing icon, pangarap pa rin ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na makapag-uwi ng Olympic gold medal para sa ating bansa.
Ngunit sa kasamaang palad, hindi siya pinayagang lumaban sa upcoming 2024 Paris Olympics.
Ang rason ng International Olympic Committee (IOC), lumagpas na sa itinakdang age limit na 40 ang dating eight-division world professional champion.
Kasalukuyan kasing nasa edad 45 na si Pacman.
Baka Bet Mo: Manny Pacquiao may ‘exhibition match’ sa 2024, kakalabanin ang Muay Thai icon na si Buakaw Banchamek
“Too bad our beloved boxing icon is disqualified because of his age and that everyone needs to go through the qualifiers, in all sports, to be able to participate in Paris,” sey ng presidente ng Philippine Olympic Committee na si Bambol Tolentino.
Kung matatandaan noong nakaraang taon, umapela ang legendary boxer kaugnay sa pagbibigay ng exemption sa age limit upang siya ay makapag-compete.
Bukod diyan, tinangka din umano ng Pilipinas na mabigyan ng tinatawag na “universality” entry.
Para sa kaalaman ng marami, isa itong entry na direktang binibigay sa mga bansang may kaunting atleta para sa Olympic games, at isang paraan upang makalaban si Manny.
Pero pareho itong hindi pinagbigyan ng IOC, base sa ipinadalang sulat sa POC ng director ng committee na si James McLeod.
“The only valid boxing qualification system for Paris 2024 is the one approved by the IOC Executive Board in September 2022 published and distributed to NOCs (national Olympic committees) and boxing national federations on 6 December 2022,” saad sa sulat ni James.
Dagdag pa niya, “The universality places for the Olympic Games will not be allocated to NOCs with an average of more that eight athletes in individual sports/disciplines at the last two editions of the Olympic Games (Rio De Janeiro and Tokyo).”
Kung matataandaan, 17 na mga atleta ang ipinadala ng Pilipinas sa Tokyo Olympics noong 2021.
At that time, naiuwi ng weightlifter na si Hidilyn Diaz-Naranjo ang kauna-unahang Olympic gold, habang ang mga boksingero na sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio ay nagwagi ng silver medal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.