Hirit ni Hidilyn Diaz: Sa mga nagsasabi na, ‘it’s too late to start,’ hindi ako naniniwala diyan…age doesn’t matter
UMAASA at tuluy-tuloy ang pagdarasal ng kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist sa 2022 Tokyo Summer Olympic Games na si Hidilyn Diaz na makapag-uuwi siya muli ng karangalan para sa Pilipinas.
Next year, sasabak muli ang Pinay champ sa 2024 Olympic Games na gaganapin sa Paris, France at talagang ngayon pa lang ay kinakarir na niya ang matinding training.
Nitong nagdaang March 6, pinarangalan si Hidilyn bilang Athlete of the Year for the fourth year in a row sa naganap na Philippine SportsWriters Association annual awards night.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng National athlete ang mga litrato niya hawak ang mga natanggap na award. Aniya sa caption, “Last night, I was awarded for the second straight and fourth title overall as PSA-Athlete of the Year.
View this post on Instagram
“Sobrang saya na makabalik ulit na makasama, makita at maka-kwentuhan ang mga kaibigan, kapwa atleta at sports officials.
“Yung pagtanggap ng award ko mula sa PSA ay malaking bagay sa akin dahil akala ko tapos na after Tokyo Olympics. Pero, heto ako ngayon, nakikilala pa rin ang ang sport ko at nare-recognize ang pagiging babaeng atleta sa weightlifting
“At ipagpapatuloy pa rin natin ang laban para sa Pilipinas sa 2024 Paris Olympics,” mensahe ng weightlifting champion.
Sabi naman niya sa kanyang speech, “Wow, naalala ko nung una pinapangarap ko lang ito, na makatanggap ng PSA award. Sabi ko gusto ko mag-attend dito, tapos ngayon pang-apat na.
“Nu’ng una, nakatanggap ako nung nanalo ako ng silver medal sa Rio Olympics. pagkatapos nito nanalo ako ng gold medal nung 2018 Asian Games.
“Then last year nu’ng nanalo ako ng first gold medal sa Tokyo Olympics. Then now, this year, naiuwi ko ang fourth award na ito dahil sa pagpapanalo ko sa World Weightlifting Championship.
View this post on Instagram
“Para sa akin napakalaking bagay nun na bumalik ulit sa pagbubuhat. Bumalik ulit sa pagmamahal sa pagbubuhat at yung ibigay ko ang lahat para sa sports para sa Pilipinas.
“Sobrang thankful ako kasi nagbunga lahat ng sacrifices at challenges ng weightlifting training, studies ko being a military athlete as well as a wife to my husband, Julius Naranjo.
“It shows that if you really want something, you work hard on it and you are surrounded by people who believe in you and support you, you can achieve great things in life.
“Gagawa at gagawa tayo ng paraan, gaano man ito kahirap para sa pangarap natin. Samahan natin ng tiwala sa Diyos, tiwala sa sarili, disiplina, sipag, at determinasyon. Lalo na kung napapalibutan tayo ng mga taong naniniwala sa atin at sa goals natin,” sabi pa ni Hidilyn Diaz.
Baka Bet Mo: Hidilyn: Nasorpresa ako na nagawa ko yun! Huwag kayong susuko kahit anong challenges at trial pa ‘yan!
Nais din daw niyang patunayan sa lahat ng mga taong nagsasabi na imposible na siyang makasungkit ng gold medal bilang weightlifter champ.
“30 plus na ako. Pero ito pa rin, naglalaro pa rin ako. Sinisikap makapagtapos din ng pag-aaral.
“Kaya sa mga nagsasabi na, ‘It’s too late to start,’ hindi ako naniniwala diyan dahil age doesn’t matter. It’s just a number. What matters is how you work hard and how bad you really want it. At importante din that you love what you are doing.
“You know your purpose, why you are doing it. Whether for yourself, or for your family. But for us, everyone here, especially to my fellow athletes, we are doing this for love of our country and our sports.
“Tayong mga atletang Pilipino, we continue to fight for our country and naniniwala ako na madaming susunod sa yapak ko na manalo ng gold sa Olympics, maging champion sa anumang laro at larangan.
“Sa susunod na taon, Olympics na ulit at gagawin ko ang lahat para makuha ulit ang gintong medalya sa Paris Olympics,” lahad pa ni Hidilyn na patuloy pa ring nag-aaral sa College of St. Benilde sa Manila sa kursong Business Administration majoring in Business Management.
“Hindi rin madali maging student athlete na pumupunta sa klase minsan inaantok na, pumupunta pa rin at isang scholar. Malapit na. It took me seven years para makapagtapos.
“Isang term na lang. Hopefully this year maka-graduate na. Pinapangarap ko lang na after nung 2016 na mag-aral, makapagtapos at ngayon, after seven years, malapit na,” ang punumpuno ng pag-asang sabi pa ni Hidilyn.
Mikee Cojuangco napasabak sa mundo ng showbiz matapos magka-injury sa pangangabayo
Babae bumabandera: 3 patunay ng pamamayagpag ng mga Pinay sa Tokyo 2020 Olympics
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.