Hidilyn Diaz handang-handa nang mabuntis at maging mommy, pero kailangang hintayin muna ang 2024 | Bandera

Hidilyn Diaz handang-handa nang mabuntis at maging mommy, pero kailangang hintayin muna ang 2024

Ervin Santiago - July 26, 2022 - 07:10 AM

Julius Naranjo at Hidilyn Diaz

KAHIT ikakasal na kailangan pa ring maghintay nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo ng dalawang taon bago sila magplano para sa kanilang magiging first baby.

Ayon sa Olympic gold medalist at champion weightlifter, talagang priority naman nila ng kanyang future husband ang bumuo ng sariling pamilya at magkaanak pero abangers pa raw sila hanggang 2024.

Ngayong araw, July 26, na ang bonggang wedding ng engaged couple na gaganapin sa Baguio City na dadaluhan ng kanilang respective families at mga malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Sey ni Hidilyn, handa na raw siyang magkaroon ng anak at maging mommy pero kailangan mula nila itong i-delay ni Julius dahil sa pagsabak niya sa susunod na laban.

“Yes, we’re planning to have our family soon. Ako, gusto na. But we’re still aiming for Paris 2024,” sabi ng kauna-unang Filipino na nakakuha ng medalyang ginto sa Olympics sa vlog ni Karen Davila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hidilyn Diaz OLY (@hidilyndiaz)


Nakaplano na ang pagsali ni Hidilyn sa Paris Olympics 2024, ang ikalimang paglaban niya sa nasabing Summer Games. Susubukan naman niya ang lumaban sa 59-kg weight class matapos magreyna sa 55-kg division noong Tokyo Olympics.

“Mas challenging. Mas natatakot ako ngayon kasi siyempre, ‘yung body weight is 59. Noong Tokyo, 55. So I have to move up ng body weight.

“Siyempre kailangan kong lumakas ng plus 20 to 30 kilos. Sinasabi ng iba na imposible, pero kung gugustuhin mo, together with Team HD, his specialty, kaya naman,” ang napakapositibong pahayag pa ni Hidilyn.

Samantala, sakaling mabuntis na nga si Hidilyn, sana raw ay baby girl ang maging panganay nila pero sey ni Julius mas gusto niya ang baby boy.

Sabi pa ng Pinay champion, handang-handa na raw siyang mabuntis at maging mommy in the near future, “Sa tingin ko, ready naman. Kasi pinili ko, eh. Once ako kasi, as a person, kapag pinili ko or nandoon na, committed ako.”

https://bandera.inquirer.net/318913/hidilyn-diaz-magpapakasal-kay-julius-naranjo-sa-mismong-petsa-nang-manalo-siya-ng-gold-medal-sa-2020-tokyo-olympics

https://bandera.inquirer.net/317207/princess-punzalan-nagpalaglag-nang-mabuntis-sa-edad-15-ayaw-panagutan-ng-tatay-at-natakot-sa-nanay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/313689/glaiza-matatagalan-pa-bago-mabuntis-kailangan-muna-naming-tapusin-yung-wedding-dito-sa-pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending