Ina ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

Ervin Santiago - August 05, 2024 - 06:20 AM

Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo niya sa amin si Caloy

Angelica Yulo, Chloe San Jose at Carlos Yulo

NAGKABUKINGAN na! Pasabog ang mga naging rebelasyon ni Angelica Poquiz Yulo, ang nanay ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ibinandera ni Angelica sa publiko na ang samaan daw nila ng loob ni Carlos ay dahil daw sa girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Ito’y matapos makatanggap ng kaliwa’t kanang batikos si Angelica mula sa mga netizens dahil tila mas pinaboran pa nito ang mga nakalaban ng kanyang anak sa nagaganap ngayong Paris Olympics 2024.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo bibigyan ng condo, P13-M matapos makuha ang ‘gold’ sa Olympics

Sa halip daw kasi na si Carlos ang ipinagmamalaki nito ay kabaligtaran ang nangyayari. Ni wala raw itong ipino-post sa social media tungkol sa pakikipaglaban ng kanyang anak sa Paris Olympics.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dedma rin daw si Angelica nang magwagi ng gold medal ang anak para sa floor exercises sa men’s artistic gymnastics category. Kaya naman imbiyerna sa kanya ang mga supporters ni Carlos.

Pero mukhang may pinanggagalingan din pala si Angelica kung bakit parang wala siyang paki sa laban at tagumpay ni Carlos.

Ayon sa nanay ng pinakabagong Olympic gold medalist ng Pilipinas, ang dahilan daw ng hindi nila pagkakaintindihan ng anak ay ang dyowa nitong si Chloe na sinasadya raw ilayo si Caloy sa kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Ina ni Carlos Yulo ‘kinarma’ matapos suportahan ang Japan kaysa sa anak

Sa panayam ng 102.7 Star FM Manila kay Angelica, si Chloe raw ang nagbibigay ng tensiyon sa kanilang pamilya.

“Ang naging mitsa, ever since ay yung babae talaga,” pahayag ni Angelica.

Isa pang isyu na inilantad ni Angelica ay ang tungkol sa dormitoryo ni Carlos sa Japan kung saan dapat kasama nito ang kapatid na si Eldrew at ang kanyang kasamahan sa koponan habang sila’y nagsasanay.

Ang naturang dormitoryo, na pinondohan umano ng Philippine Sports Commission, ay ginagamit din daw ng dyowa ni Carlos kaya na-bad trip ang mga magulang ng atleta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hindi raw pinapayagan si Chloe na mag-stay sa naturang dormitoryo kaya tinawag pa niya itong “outsider.”

“Sa tingin n’yo ba patutulugin ko ‘yung anak ko (Eldrew), menor de edad, kasama siya at ‘yung babae?” ang punto ni Angelica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, feeling nila ay sinasadya na ni Chloe na ilayo sa kanila si Carlos, “Okay lang, then noong nagkita, feeling ko inilalayo niya sa amin si Caloy.”

Samantala, mariin din niyang itinanggi ang chika na ninakaw nila ang pera ni Carlos pero totoong nagamit nila ang bahagi ng savings ng kanyang anak para sa pag-aayos ng kanilang bahay.

“Yung hindi aaray yung bulsa niya,” ang sabi pa ni Angelica kasabay na pagkumpirma na nagkimkim daw ng galit ang iba pa niyang anak kay Carlos dahil sa kanilang pag-aaway.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending