Nanay ni Carlos Yulo tinalakan ng netizens: Kapal ng mukha!

Nanay ni Carlos Yulo tinalakan ng netizens: Kapal ng mukha!

Ervin Santiago - August 05, 2024 - 12:01 AM

Nanay ni Carlos Yulo tinalakan ng netizens: Kapal ng mukha!

Carlos Yulo

SA gitna ng isyung kinasasangkutan ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ng kanyang nanay, mukhang ayaw na munang magpaapekto rito ng Filipino athlete.

Matapos kasing masungkit ni Carlos ang gintong medalya sa Paris Olympics 2024 para sa floor exercises sa men’s artistic gymnastics, ay naglabasan ang mga nakakaintrigang post ng netizen tungkol sa ina ng binata na si Angelica Poquiz Yulo.

Base sa mga nabasa naming chika sa socmed, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Carlos ay ang kanyang ina nang madiskubre ng binata na nilustay umano ng kanyang pamilya ang naipon niyang pera mula sa pagiging atleta.

Bukod pa rito, lantaran daw ang ginawang pagsuporta ni Angelica sa atleta ng Japan, at inetsapwera umano ang sariling anak.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo bibigyan ng condo, P13-M matapos makuha ang ‘gold’ sa Olympics

Una kasing nanalo ng gold medal ang Japanese gymnast na si Shinnosuke Oka sa kategoryang men’s all-around final, habang si Carlos ay nagtapos lamang sa 12th place.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang caption ni Angelica sa ipinost niyang balita tungkol dito noong August 1, “Japan pa din talaga…Lakas (flexed biceps, face with rolling eyes emojis).”

Pero asar-talo ang nanay ni Carlos sa naging resbak ng netizens nang manalo nga ang binata sa floor exercises sa men’s artistic gymnastics. Talagang ipinamukha sa kanya ang naranasang “karma” dahil sa pangmemenos niya sa anak.

Sa interview kay Carlos ng One News nitong nagdaang Sabado, August 3, nabanggit ng binata na matagal na niyang ipinagdarasal na makapag-uwi ng gintong medalya para sa Pilipinas.

“Sobrang overwhelming po ‘yong experience na ‘to sa akin. Wala pong lumalabas kundi pasasalamat sa Diyos na hindi niya ako pinabayaan, walang nangyaring masama sa amin,” ani Carlos.

Baka Bet Mo: Pokwang kay Lee: What if ipinaglaban niya kami at hindi nanggamit?

“Matagal kong pinagdasal ‘to. Matagal kong pinagtrabahuhan ‘to kasama Siya. Siyempre kasama rin ‘yung mga staff,” sey pa niya.

May advice rin siya sa lahat ng mga Pinoy athletes, “Huwag po tayong mawawalan ng pag-asa. Nandiyan ‘yung Panginoon, hindi tayo pababayaan. Mahal tayo niyan.”

Narito naman ang ilang reaksyon ng netizens sa isyu ng nanay ni Carlos.

“Ayan may fully-furnished condo na si Caloy worth Php24-M pesos! Plus may Php 10-M pesos pa from the Philippine government. Anong masasabi mo mader dear?”

“Grabe may nanay pala talagang ganito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Just a reminder that your other son just bagged our country its second-ever gold. Maybe you should say something about that. I know you’re online kasi you’re removing tags from well-wishers congratulating you on your son’s remarkable achievement. Care to explain?”

“Tagasaang planita kaya ang pinagmulan ng ina kung totoo man.naku  nanay kami ngang hindi kaano ano nang ank mo pinagpuyatan namin ma panuod lang at lalo na ng umiyak isa din akong umiyak kaya kc proud kami sa ank mo  dahil pinagsikapan nya na ipanalo ang ating bansa.”

“Totoo may alitan pamilya ni yulo napanuod sa news now lang sabi ng ama nya ayusin ang sigalot ng pamilya at mag bonding sila. Wlang interview ang ina tatay at lola at siblings lang.”

“Kakaibang ina ito, baka step mother lang yan hindi tunay na ina. Maigi pa nga tayong hindi kadugo todo suporta pa tayo sa anak nya pero sya na ina parang d nya kadugo ang anak. Pero paiyak iyak yan kapag nakikita na ang anak para mabahagian. Kapal ng mukha ng nanay.”

“Nagsabi Lang Ng nanay na malakas parin ang Japan KC doon nagsasanay anak nya..at saka yong coach nya  taga Japan Peru..syempre..proud parin Tayo KC dugong pinoy..nakasungkit ng Gold..congrats again sir Carlo.”

“Whag na lang ninyo pansinin yan ang importanti napanalo ni Carlos Yulo ang laban nya balang arawag bati ding yan sila.”

“Bukod sa hnd nya pag suporta sa anak nya d rin nya sinuportahan ang bansa nya , hays grabe naman yan.”

“Babait na yan kasi tumataginting ang 10million na prize money ni Caloy.”

“Ano anak mo di mo sinuportahan? dapat db ikaw yung unang sumuporta sa anak mo? kasi sayo galing yan eh dugot laman mo yan…khit ano pang di nyo pagkakaintindihan anak mo pa din yan.. kakaiba k nmn po ate…hayssss.”

“Anumang sama ng loob ng isang ina sa kanyang anak, hindi pa rin nya gugustuhing masaktan ito. Ganyan katunay magmahal ang ina sa anak.”

“Baka nman humanga lng si inay kay japanese player….kasi ako sa totoo lng humanga din ako sa kanya(japan)pero syempre uunahin ang sariling atin.ang cute nga nilang tingnan eh si yulo at si hapon parang kambal sila pareho ng height at body built…!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayah ng nanay ni Carlos hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending