Pokwang kay Lee O'Brian: What if kung ipinaglaban niya kami?

Pokwang kay Lee: What if ipinaglaban niya kami at hindi nanggamit?

Ervin Santiago |February 27,2024
facebook
share this

Pokwang kay Lee: What if ipinaglaban niya kami at hindi nanggamit?

Ervin Santiago - February 27, 2024 - 06:15 AM

Pokwang kay Lee: What if ipinaglaban niya kami at hindi nanggamit?

Lee O’Brian at Pokwang

SUPER flex ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa kanyang “date” kung saan ibinandera niya ang napili niyang bonggang OOTD.

Nag-share si Pokey ng short video sa Instagram kung saan makikita ang “slowmo” na pagbaba niya sa hagdan ng kanyang napakagandang bahay suot ang kanyang blue dress.

In fairness, fresh na fresh ang awrahan ng komedyana at bumagay din sa kanya ang napili niyang hairstyle for the day. Pero as usual, may pitik na naman ang Kapuso star sa ex-dyowa niyang si Lee O’Brian. Ha-hahahaha!

Sey ni Pokwang sa caption ng kanyang IG reel, “Meron akong date wag magulo hahahhahaa pero hanap buhay ito hindi ito maka landi lang (laughing and crying emojis).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Di ako gaya ng isa dyan puro landi walang support sa anak (emojis). Bwahahhahahahhahaha!” dagdag pang pang-aasar ng TV at gane show host sa dating partner.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan ng fans ni Andrea Brillantes: ‘Hindi ka naman motivational speaker, pakialamero ka lang talaga’

And as expected, daan-daang komento na naman ang nakuha ng IG post ni Pokwang at halos lahat ay pumuri sa kanyang itsura at pagiging palaban sa buhay. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

“Susmi pag dito yan si afam sa US walang kawala yan sa suporta kaya mas ginusto nya sa pinas kasi he is free na di mag support sa anak.”

“Hello mamang pokwang your so beautiful and sexy so proud of your beauty.”

“Okay na iyan ms pokwang, at least wala ka nang PAL.”

“Dito lang sa America iyan hindi nag suporta s anak matagal n siya nakakulong, kaya gustong gusto s pilipinas kasi malaya siya s mga ginagawa niya kahit pabaya sa anak.”

“Buti nga si mamang ma influence, napadali ang proseso. Ako 5 years ako nag antay for the responsible financial support ng ex ko. It’s a tough decision po for us na may mga anak. Kailangan sana dapat magka isa eh kaya dumami silang pabaya at okey lang ginagawa nila. Kaya inaabuso kasi we were still adopting the silence culture. Yan ang totoo.”

“Tama lang ginagawa mo mamang agree ba agree ako kala ko wala na dito yang irresponsible na yan abusado walang kwenta bakit di pa mapalayas it’s unfair tapos kapwa mo pinay pinapatulan oa grabe kaya di umaasenso pinas eh.”

“No one has the right to invalidate your feelings, mamang! Just slay!”

Tanong naman ng isa niyang follower, “Madam pokwang what if paglaki ni malia gusto nyang makita ang tatay nya? What if paglaki nya makikita mo na iba ang naging epekto sa kanya ang ngyayari sa inyong dalawa ng kanyang ama? Tanong ko lang kasi iba iba ang epekto sa anak ang ganyang sitwasyon o mga pangyayari.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Ang tugon ni Pokey, “What if nagpaka ama muna sana si kano? What if pinaglaban nya kami? what if hindi sya naging manggagamit lang? edi sana buo pa kami diba? bakit laging sa nanay at babae lagi ang tanong na ganyan?

Baka Bet Mo: Hirit ni Pokwang sa mga bashers: ‘Baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites’

“Sa kabila ng ginawa naman ang lahat wag lang masira at manatiling buo ang pamilya? habang yung isa pasarap lang? napaka unfair na laging nanay at babae lang na tatanong ng what if what if nayan?

“What if sya tanungin nyo bakit ayaw nya umalis dito kahit wala syang silbi? kasi nga sarap buhay nya! what if matino syang ama edi sana walang ganito diba?” ang hugot answer ng komedyana.

Sabi naman ng isa pang netizen, “Go idol mis Pokwang tray ng idol ko talaga kita ..same sila ng ex. Ko pinabayaan mga anak nag asawa lang sa U.S pinagpalit sa amin Pinay din..ngayun kinarma Yong ex ko my stage4 n sya.”

Hirit naman ng aktres, “Yan ang sinasabi ko!!!!!”

“True…pina pa dios kuna lang sya..almost 10 years din mga anak nya galit din saknya kahit nasa US din mga anak ko.kahit bati hello kung kumusta wala kahit birthday ng anak ko walang ganun,” pag-agree ng isa pang IG user.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Reaksyon naman ni Pokwang, “O, diba? tapos mga kapwa mo babae pa huhusga sayo mga enabler kasi! sana sila naman makaranas para patas hahhahahaa basta laban lang tayo wag papaapak sa mga kampon ni S!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending