Pokwang sa bashers: Deserve nila ang pangbabarubal ko!

Pokwang sa bashers: Deserve nila ang pangbabarubal ko, mga dark souls!

Ervin Santiago |February 25,2024
facebook
share this

Pokwang sa bashers: Deserve nila ang pangbabarubal ko, mga dark souls!

Ervin Santiago - February 25, 2024 - 12:55 PM

Pokwang sa bashers: Deserve nila ang pangbabarubal ko, mga dark souls!

Pokwang

MAS marami pa ring kumakampi sa Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang kesa sa ex-partner niyang American actor na si Lee O’Brian.

Tulad na lang ng mga nagpahiwatig at nagparamdam sa kanya ng suporta nang ibandera niya ang balitang muli niyang bubuhayain ang gourmet business nila noon ni Lee.

Sa Instagram last Friday, February 23, nag-post si Pokey ng video kung saan mapapanood ang tila commissary ng dati nilang “PokLee” business ni Lee.

“Malapit na, konti na lang. Magbabalik na muli ang aking Mamang Pokwang’s Gourmet—tuyo, laing, bagoong, aligue, suka.

“Kung natatandaan niyo, ito po ang dating PokLee, ibabalik ko na po nang ako na lang.

Baka Bet Mo: Pokwang nainsulto daw sa bagong babaeng nilalandi ni Lee O’Brian, hirit ni Ogie Diaz: Baka feeling niya ‘sana mas maganda-ganda naman sa akin’

“This time ako, ako lang. Ako lang naman ang nagmahal. Chos! Ang iba nanggamit lang. Ay, chos! Konti na lang, ibabangon ko ulit yan,” ang maririnig na dialogue ng komedyana.

Sabi naman niya sa caption ng video clip, “Mga suki konting hintay nalang po at muling babalik ang @mamangpokwangs_gourmet mas matatag, mas malawak mas bongga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


May isang netizen ang nagkomento ng, “Wala po bang paraan na ipaglaban din sa court na makuha mo rin access ng youtube mo na ikaw naghirap po? yong sa business nyo? Mabigay rin sayo ang name na mas marami followers po nun eh.. good luck mamang, im proud of you kasi pnaglalaban mo ang dapat.”

Sagot sa kanya ni Pokwang, “Ask mr. @leeobrian when is he planning to give back that youtube to us? and when he’s gonna stop exploiting me and @malia_tisayngmasa18 ask him.”

Baka Bet Mo: Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Sagot ng isang IG user, “For sure he won’t stop kc wala sya pera eh. hayaan mo nlng mamang Di natulog c LORD nkita nya paghihirap mo ”

Agree rito si Pokey, “Oo at iyon ang ginagastos nya pang party kasama mga pokpok hahahaha sarap buhay.”

May nagsabi naman ng, “Sinayang ka ni Papang nasa bed n sya biglang Potong na harrr!” Na sinagot din ni Pokwang, “Ginising ako ng langit hahahaha tama na daw si user mga anak ko naman daw.”

Sumagot din dito ang isang follower ng Kapuso star, “Yes mamang kayong tatlo ng mga anak mo. Ipaglaban ang mga kababaihan, with the help of God kaya mo yan kahit wala kang asawa, and naexperience mo na rin so you’re really blessed. Keep up the good job.”

Sey sa kanya ng komedyana, “Mas palalawakin ko ang negosyong nagamit lang sa pansariling kapakanan hahhahaha.”

May advice naman kay Pokey ang isa niyang follower, “And mamang take as much as time to heal, speak out and let it all out. Hayaan mo mga bashers and insecure na mga wala naman ambag and bilang! Hahaha LABAN!!! I love you mamang!”

Reply ni Pokey, “True at deserve nila ang pang babarubal ko sa kanila bwahahahahaha mga dark souls.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, ibinalita rin ng beteranang komedyana na baka raw sa susunod na buwan ay lalayas na ng Pilipinas si Lee  na talagang matagal na niyang gustong mangyari matapos siyang magsampa ng deportation case laban sa Amerikanong aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending