Pokwang ibabalik ang gourmet business: Ang iba nanggamit lang

Pokwang ibabalik na ang gourmet business: Ang iba nanggamit lang

Therese Arceo |February 24,2024
facebook
share this

Pokwang ibabalik na ang gourmet business: Ang iba nanggamit lang

Therese Arceo - February 24, 2024 - 11:58 PM

Pokwang ibabalik na ang gourmet business: Ang iba nanggamit lang

MULING ibabalik ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang ang gourmet business nila ng kanyang ex-partner na si Lee O’Brian.

Base sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, February 23, ibinahagi ng Kapuso star ang short video kung saan ibinansera niya bagong commissary ng kanyang business.

Havang iniikot ang netizens sa bagong paggagawaan ng kanyang mga gourmet products, maririnig si Pokwang sa background.

“Malapit na, konti na lang. Magbabalik na muli ang aking Mamang Pokwang’s Gourmet—tuyo, laing, bagoong, aligue, suka.

“Kung natatandaan niyo, ito po ang dating PokLee, ibabalik ko na po nang ako na lang,” sey ng komedyana.

Hirit pa niya, mag-isa na lang siya sa pagbabalik ng kanyang negosyo.

Baka Bet Mo: Pokwang tinawag na chaka, rumesbak: Ipakita mo muna mukha mong t*e!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“This time ako, ako lang. Ako lang naman ang nagmahal. Chos! Ang iba nanggamit lang. Ay, chos! Konti na lang, ibabangon ko ulit yan,” sabi pa ni Pokwang.

Base sa caption, konting tiis na lang at magbabalik na ang kanyang negosyo.

“Mga suki konting hintay nalang po at muling babalik ang @mamangpokwangs_gourmet mas matatag, mas malawak mas bongga,” saad ni Pokwang.

Makikita naman sa comment section ang ilang tanong ng mga netizens na may kinalaman sa kanyang ex-partner gaya na lang ng kung wala bang ibang paraan para mabawi ang dati nilang YouTube channel na na kay Lee.

“Wala po bang paraan na ipaglaban din sa court na makuha mo rin access ng youtube mo na ikaw naghirap po? yong sa business nyo? Mabigay rin sayo ang name na mas marami followers po nun eh.. good luck mamang, im proud of you kasi pnaglalaban mo ang dapat,” tanong ng netizen kay Pokwang.

Sagot naman ni Mamang, “ask mr. @leeobrian when is he planning to give back that youtube to us? and when he’s gonna stop exploiting me and @malia_tisayngmasa18 ask him.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpakita naman ng suporta ang mga netizens sa muling pagbabalik ng negosyo nito.

“Yes mamang kayong tatlo ng mga anak mo. Ipaglaban ang mga kababaihan, with the help of God kaya mo yan kahit wala kang asawa, and naexperience mo na rin so you’re really blessed. Keep up the good job,” wika ng netizen.

Reply naman ni Pokwang, “mas palalawakin ko ang negosyong nagamit lang sa pansariling kapakanan hahhahaha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending