Payo ni Pokwang sa mga nabigo sa pag-ibig: ‘Yung pain, hayaan mo lang!
KAHIT malapit na ang Valentine’s Day, talamak pa rin ang hiwalayan, lalo na pagdating sa showbiz couples.
Ang pinakahuling balita, kumpirmadong break na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Dahil diyan, nagbigay ng advice ang actress-comedienne na si Pokwang para sa mga nakakaranas ngayon ng heartbreak.
“Ano ang advice mo ngayon bilang expert sa mga ganyan, sa mga naghihiwalay na couples, something like that,” tanong sa ibinanderang TikTok video ng showbiz vlogger na si StarsPhotog.
Ayon kay Pokwang, parte talaga ng buhay ang masaktan sa isang relasyon, lalo na kung hindi pa nakikita ang “right person.”
“Gan’un talaga. Gan’un talaga ang buhay,” sey ng komedyana.
Baka Bet Mo: Pokwang sinabihang gayahin si Ruffa Gutierrez, pumalag: Magkaiba kami
Paliwanag niya, “Kapag may nakalaan sa’yo na tamang tao at [hindi mo pa panahon], masasaktan at masasaktan ka para kapag dumating na ‘yung tamang tao, buo ka na.”
“Kung alam mo lang, masakit talaga,” dagdag ng aktres.
Kwento pa niya, “May mga gabing hindi ako makatulog, pero iniisip ko na lang na hindi siya ‘yung tamang guy.”
“Meron talagang nakalaan sa’yo, dadating at dadating ‘yun. ‘Yung pain, hayaan mo lang ‘yan,” giit pa ni Pokwang.
Kung matatandaang, taong 2021 nang makipaghiwalay si Pokwang sa dating partner na si Lee O’Brian.
Ilan sa mga rason kaya niya ito iniwan at pinalayas sa kanyang bahay ay dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila na si Malia.
Noong December 23 naman nang pinanigan ng Bureau of Immigration (BI) ang hiling ng Kapuso actress na mapa-deport ang kanyang dating partner.
Base sa walong pahinang resolusyon na inilabas noong December 12, inuutusan ng BI na mapa-deport si Lee dahil sa naging paglabag nito sa mga alituntunin at kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa.
Ayon sa complaint na inihain ni Pokwang, ang nire-renew ni Lee ay ang kanyang tourist visa kahit na ang dahilan ng pananatili niya sa bansa ay ang pagtatrabaho.
Nitong Enero naman nang mag-file si Lee ng voluntary deportation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.