Pokwang: Ngayon n'yo sabihin sa 'kin na bitter ako!

Pokwang: Ngayon n’yo sabihin sa ‘kin na bitter ako, na mag-move on na ‘ko!

Ervin Santiago - February 04, 2024 - 07:55 AM

Pokwang: Ngayon n'yo sabihin sa 'kin na bitter ako, na mag-move on na 'ko!

Lee O’Brian at Pokwang

TINALAKAN ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang ang mga bashers na patuloy na nangnenega sa kanya dahil kay Lee O’Brian.

Talagang sinupalpal ni Pokey ang mga netizens na nagpapayo sa kanya na tigilan na ang pagiging bitter at mag-move on na sa paghihiwalay nila ng dati niyang live-in partner.

Ayon sa komedyana, nang dahil daw sa pagrereklamo niya sa Bureau of Immigration para ipa-deport si Lee ay maraming mga tulad niyang single mother ang nais ding magsampa ng kaso laban sa mga dati nilang partners.

Sa kanyang Instagram story, nabanggit ni Pokwang na maraming nagpapadala sa kanya ng direct message sa social media para hingin ang number ng kaniyang abogadong si Atty. Ralph Calinisan.

Baka Bet Mo: Sisteraka ni Andrea pumalag sa bashers matapos ang viral ‘promposal’ sa Blackpink concert: ‘Leave my sister alone you bitter people’

Resbak ng komedyana sa mga bashers, “Ngayon nyo sabihin sakin na bitter ako, mag move on na ako!

“Sa dami ng nag ask ng number ng lawyer ko mga single mom karamihan magsasampa din ng kaso sa mga ex nila! so ano yon? ano tawag don? sige invalidate pa more!” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Kamakailan, nag-sorry si Pokwang sa Bureau of Immigration (BI) at Department of Justice (DOJ) matapos siyang maglabas ng sama ng loob sa socmed kaugnay ng isinampang deportation case laban kay Lee.

Nabalitaan niya kasing nag-file ng motion for reconsideration at motion for voluntary deportation si Lee na ikinabwisit nga ng komedyana.

Baka Bet Mo: Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

“Humihingi po ako ng dispensa sa lahat, lalo na sa BI na pinamumunuan ni Commissioner Norman Tansingco at kay Secretary Boying Remulla na namamahala sa DOJ.

“Naniniwala po ako sa proseso ng hustisya sa Pilipinas. Pasensya na po kung sa bugso ng aking damdamin, ay may mga nasasabi akong di kaaya-aya.

“Gusto ko din magpasalamat kay Atty. Rafael Calinisan at sa Calinisan Domino and Beron Law Office para sa kanilang galing at husay sa pag aasikaso ng aking kaso. Salamat sa pasensya at malasakit ninyo sa akin.

“Humihingi din ako ng paumanhin sa inyo dahil nailagay ko kayo sa alanganin dahil sa aking mga sinasabi.

“Pang huli, humihingi ako ng paumanhin sa taumbayan kung ako ay naging malupit sa aking mga nabibitawang salita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Patawad po, at sana ay patuloy po ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng inyong pagunawa at panalangin,” mensahe ni Pokwang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending