Robin Padilla sa Martial Law: Mag-move on na tayo | Bandera

Robin Padilla sa Martial Law: Mag-move on na tayo

Therese Arceo - September 21, 2022 - 03:56 PM

Robin Padilla sa Martial Law: Mag-move on na tayo

ISANG araw bago ang pag-alala sa anibersaryo ng Martial Law ay naglabas ng pahayag ukol rito ang actor-politician na si Sen. Robin Padilla.

Sa kanyang panayam sa mga news reporter nitong Setyembre 20, sinabing niyang dapat daw ay mag-move on na ang mga Pilipino da mga nangyari noong panahon ng Batas Militar.

‘’Para sa akin mag-move on na tayo mga anak. Kung may kasalanan man ang ating dating Pangulong Marcos Sr. hindi po kasalanan ng anak yun, wag po tayong ganun,” saad ni Sen. Robin.

Ang anak na tinutukoy ng senador ay ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si Bongbong Marcos.

Pagpapatuloy pa ni Sen. Robin, “Kahit sa Islamic, Catholic faith, ang kasalanan ni Adan ay hindi kasalanan…”

Aniya, kailangan na nga raw mag-move on ng mga tao sa Martial Law dahil kung hindi, kailan pa raw ba mag-go-grow ang mga Pilipino.

“Kapag hindi tayo nakaalis sa Marcos issue na ‘yan at sa Martial Law issue, kailan pa tayo mag-grow?” hirit pa ni Sen. Robin.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naging pahayag ng senador.

Marami ang hindi sumang-ayon sa naging pahayag ni Sen. Robin na mag-move on na lang sa nangyari.

“There can never be any growth without the admission that the atrocities DID happen, kahit baliktarin pa ang mundo. And what have they done to acknowledge that fault? WALA. In fact, victims end up being demonized, as if hindi pa sapat yung naranasan nil noon. So tell me, how can there be growth in such a toxic setup?” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “We can never move on until they return the ill-gotten wealth back to our country and on behalf of their late father, recognize and apologize for the abuses committed during Martial Law.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)

“Hindi naman sila pwedeng sabihang move on na lang, lalo kung sila’y naging biktima ng Martial Law. Dapat kayong binoto ng mga mamamayang Pilipino ang mag-move on for a better service para sa Filipino people. Tama na yung puro pasikat lang at pangako na napapako. Ang kailangan gawin good governance and dedication para sa bansa at mamamayan,” sey pa ng isa.

At ngayong araw nga ang ika-50th anibersaryo buhat nang ipatupad ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mga mamamayang Pilipino sa pag-alala sa mga hindi makataong pangyayari limang dekada na ang nakalilipas.

Hanggang ngayon ay hustisya pa rin ang sigaw ng mga biktima at pamilya ng mga namatay, pinahirapan, at nawalang Pilipino noon.

Ipinaglalaban rin ang accountability sa mga pang-aabusong naganap sa libu-libong biktima noon at ang pagbabalik ng mga kayamanan ninakaw sa mamamayang Pilipino.

Related Chika:
Martial Law movie na ‘Katips’ humakot ng trophy sa FAMAS 2022; Vince Tañada tinuhog ang best actor at best director awards

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit nga ba maraming Pinoy ang bumoto kay Robin Padilla para maging senador?

‘Robinhood ang itawag n’yo sa akin’ — Robin Padilla

Ice Seguerra, Liza Dino suportado ang laban ni Robin Padilla para maisabatas ang same-sex marriage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending