Producer Mike Aragon aprub sa plano ni Robin na gawan ng pelikula ang ‘WPS’
IKINATUWA ng executive producer ng “WPS” (West Philippine Sea) na si Dr. Michael Raymond Aragon nang mabalitaan ang good news mula kay Sen. Robin Padilla.
Ito’y tungkol sa balak ng veteran actor at public servant kasama ang Philippine Coast Gaurd (PCG) na makagawa rin ng isang pelikula tungkol sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea (WPS).
Si Dr. Mike Aragon na siyang chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas (KSMBPI) at ng Anti-Fake News Task Force, ang producer ng “WPS”. Ito ang TV and radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH at Viva One tungkol sa mga kaganapan sa West Philippine Sea.
Pinagbibidahan ito nina AJ Raval, Ayanna Misola, Aljur Abrenica, Rannie Raymundo, Lance Raymundo, Daiana Menezes at marami pang iba.
“We are very happy with this development from the side of our good senator and the PCG.
Baka Bet Mo: Mariel may kondisyon nang pakasalan si Robin bilang Muslim: Dapat ako lang
“We all should join forces so we can tell by any means the entire Filipino nation the truth about the real narrative of the Philippines on the issue of the WPS so we can fight the fake news that China is wrongly propagating against the Philippines at the WPS in their cognitive warfare operations against the Filipino interest,” sabi ni Aragon.
“Kailangan nating gisingin ang patriotic at nationalistic heart ng bawat Pilipino tungkol sa katotohanan na atin ang WPS at dapat lahat tayong mga Pilipino magkaisa para tulungan ang atin gobyerno na labanan ang pangbubully at fake news ng China sa WPS” dagdag pa niya.
“Maliban sa WPS series, sinisimulan na rin naming mag-shoot ng ‘WPS The Movie’ na balak naming isali sa December, 2025 Metro Manila Film Festival.
“Kaya hinihikayat namin sana ang iba pang mga producers ng mga producers at social media content creators na gumawa na rin ng mga projects on WPS para maging mitsa ito ng tamang impormasyon ng mga Pilipino sa totoong nagaganap sa WPS,” pahayag pa ng executive producer ng “WPS” series.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.