Robin bet na bet si Trump: 'Only he can save the world from war!'

Robin Padilla bet na bet si Trump: ‘Only he can save the world from war!’

Pauline del Rosario - November 07, 2024 - 11:30 AM

Robin Padilla bet na bet si Trump: 'Only he can save the world from war!'

Sen. Robin Padilla, US President Donald Trump

FULL support kay re-elected US President Donald Trump ang ibinandera ni Senador Robinhood Padilla sa social media.

Sa Facebook, inalala muna ng actor-turned-politician ‘yung unang beses na tumakbo sa presidential race si Trump.

Ito ay noon pang 2016 presidential elections kung saan ang nakalaban niya ay si Hillary Clinton.

“8 taon na ang nakalilipas mula noong ikinampanya at nailuklok sa pagiging Pangulo ng Amerika si Ginoong Donald Trump. Ito po ang Naisulat ko noong Ika 13 ng nobyembre 2016,” sey niya, kalakip ang ibinanderang screenshot ng dating post niya sa IG na inihahayag ang pagboto ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez at pamilya nito kay Trump.

Para sa mga hindi aware, si Mariel kasi ay isang American citizen at ang ikalawang anak nila na si Gabriela ay ipinanganak doon noong 2019.

Baka Bet Mo: PBBM nag-congratulate kay Trump, umaasa sa pagpapalakas ng PH-US ties

Patuloy na kwento ni Robin sa FB post, “Noong 2020 elections hindi man personal na naka-vote si Mariel sa Amerika at ako rin ay hindi na nakapagkampanya dahil sa shocked na ibinigay ng pandemic. Hindi pinalad si Ginoong Donald Trump na manalo.”

Ang tinutukoy diyan ng senador ay ‘yung 2020 elections na kung saan ang naging pangulo ng Amerika ay si Joe Biden.

Kasunod niyan, iginiit ni Robin na si Trump lamang daw ang makakaligtas sa buong mundo laban sa mga giyera na nararanasan sa iba’t-ibang bansa.

“Only Trump can save the world from War. Yun lang po,” sambit ng senador.

Aniya pa, “My dearest countrymen living as dual citizens in the United States of America. Vote for World Peace. Vote for Trump. Fighting without fighting is the true trait of a leader. Trump tayo mga kababayan.”

Si Trump ay gumawa ng kasaysayan matapos muling manalo sa pagkapangulo sa US sa ilalim ng Republican Party at ang natalo niya this year ay ang Democrat na si Kamala Harris.

Ilan lamang sa mga celebrities na bumoto kay Trump ay sina Kim Kardashian, Kanye West, Mel Gibson at Zachary Levi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending