Bakit nga ba maraming Pinoy ang bumoto kay Robin Padilla para maging senador?
ISA-ISA naming binasa ang mga komento ng mga tao kung bakit nila ibinoto si Robin Padilla para maupo sa Senado at halos iisa ang kanilang rason — napanood daw nila ang panayam sa aktor sa YouTube channel nina Boy Abunda, Aiko Melendez at Toni Gonzaga.
Isama pa riyan ang tsikahan nilang mag-asawa na si Mariel Rodriguez kung saan dito nagkaliwanagan na wala silang sapat na salapi para panggastos at dumating pa sa puntong paano kung palarin si Binoe sa Senado, paano niya pagsisilbihan ang pamilya?
Lahat ng mga panayam na ito ni Robin ay napanood ng marami kaya siya nag-number one sa senatorial race.
Narito ang mga komento ng netizens mula sa panayam ni Binoe kung saan tinalakay niya ang plano sa entertainment workers sa YouTube channel ni Aiko (na kasalukuyang nasa number 5 slot naman bilang konsehal sa Distrito 5 ng Quezon City).
View this post on Instagram
Hindi namin kilala si Danna Reyes na natulungan pala ng aktor na hindi nito ipinadiyaryo o kinunan ng TV camera.
Aniya, “Bilang pasasalamat sa pagtulong mo sa open heart operasyon ng pinsan ko, you have my vote. Hindi ka nagdalawang isip na tumulong the moment my aunt asked for help sa Instagram. And we will forever cherish it!”
Say naman ni @Alay Lakad PH, “As a film crew, totoo po yan. Palagi kaming biktima ng hindi nababayaran ng buo pag di natutuloy ang project pero pinagtrabaho kami. Kung tutuusin di naman namin kasalanan pag di natutuloy ang project dahil may mga issues ang upper heads.
“Isa sa mga project namin ang Marawi Film ni Robin. Pero di ko siya sinisisi o kahit sinuman. Kasalanan ng sistema. Ganun na talaga sa lahat ng project. Sana maayos po ito. Iboboto po kita Sir Robin dahil you raise this problem.”
Sabi naman ni @Aldrin Diaz, “Because of this interview of Mr. Robin Padilla, mas nakilala ko siya as a Public Servant. Because of that, I’ll cast my vote for him. Mafe-feel mo talaga ‘yung sincerity at dedikasyon niya upang makatulong sa tao. Nawa’y gabayan ka ng Panginoon lagi sa iyong tatahaking larangan.”
Ani @singleladies _1927, “I’ve never missed any interviews about this guy, Robin Padilla. sobra amaze ako sa knowledge n’ya and also his sincerity about his plans and platform. How he explains and relay his message to the audience is undeniably powerful.
“I hope and pray ang mga botante makita at maintindihan at mabigyan ng chance ang totoong gustong mabago ang sistema ng gobyerno at batas natin. We all want change and change starts within us and by our vote alone, we can do much better. piliin ng maigi ang iboboto. God bless you Robin and your family and bless your heart. you’re on my list. definitely. Big respect!!”
Para kay @Kit Balde, “Idol ko si Robin as an actor. Pero as a public servant wanna-be, medyo hesitant ako dati. Akala ko puro yabang lang din na nagmamagaling para iboto. Napahiya ako sa sarili ko as in hiyang-hiya nang mapanood ko ang mga interviews n’ya.
“Very knowledgeable and very vocal pala sa mga prinsipyo at adbokasiya nya to help other people ang Bad Boy of Philippine Cinema na “Good Boy” pala. You got my vote idol. Assalahmualaikum.”
Pinuri naman ni @Victorrine ang panayam ni Aiko sa aktor, “Maganda tong mga interview na ganito about sa mga artista. Nakikila ng taumbayan ang real person behind the camera. And… well-spoken pala si Ms. Aiko. P’wede sya maging host pati interviewer din. She’s a good listener too gaya ni Toni which is a very important attitude ng isang interviewer. Her questions are also good. ‘Yong mga topics na unexpectedly you are grateful na minention nya. Kudos sayo Ms. Aiko and Sir Robin!
Nagpasalamat naman si @Lysor Agev, “Thanks, Ms. Aiko for this interview with Sir Robin. This opened my eyes, nakita ko na maalam, matalinong tao sya. Sana pagpalain sya ng Dios at matupad yung pangarap nya for the Philippines, para sa mga Filipinos.”
May revelation din si @Hon Bel, “When I was in high school nag-attend po kmi ng seminar re: Human Rights at meron pong field trip to National Bilibid Prison. 3 days after po ng laya ni Sir Robin kami napunta doon.
“So na-miss namin na andon siya. Mga gym equipments na lang naabutan namin Maayos po doon sa loob parang Camp Sampaguita ‘yong tawag. May school at livelihood program/workshop po sila doon. Ang lawak ng vegetable garden nila.”
Papuri rin ang sinabi ni @Rina Atienza, “Great interview. I want him to win, he’ll offend some people because of his plans but in reality, it’s a wonderful plan. His personality & charm will help him win. Just like Isko Moreno, the looks pull in the crowd but their mentality & integrity are impressing. Robin’s persona is magnetic, parang hindi mo siya puwedeng kausapin na hindi ka maa-attract sa kanya, he’s got it all…pogi, he’s tall & all. I hope he wins…greetings from Florida USA.”
Samantala, may nabasa naman kami sa thread dito sa BANDERA na bakit umalis si Mariel kasama ang mga anak nila, nagselos daw ba siya kay Vina Morales na isa sa sumuporta kay Robin sa nakaraang UniTeam campaign rally.
Kaya inalam kaagad namin kay Mariel kung bakit nga ba bigla silang umalis, e, dapat sabay-sabay silang mag-celebrate sa pagiging senator ni Binoe.
Nakarating na pala sila ng Spain habang ka-chat namin siya sa pamamagitan ng Facebook at ang rason kung bakit sila umalis kaagad, “Matagal na itong vacation na ito nakabili ako ng promo na ticket 1yr old pa lang si Gabriela now ko lang ginamit ehehehehehe,” sagot ng wifey ni Robin.
Isang buwan daw silang mananatili sa Spain para makapaglibut-libot pero hindi ulit nito sinagot kung susunod si Robin sa kanila.
https://bandera.inquirer.net/304682/robin-sawang-sawa-na-sa-kakaendorso-ng-politiko-kaya-tumakbo-nawalan-ng-trabaho-dahil-kay-duterte
https://bandera.inquirer.net/313060/mga-muslim-nagpiyesta-sa-pangunguna-ni-robin-sa-bilangan-mariel-2-anak-biglang-umalis-sa-pinas-anyare
https://bandera.inquirer.net/298928/robin-inalala-ang-buhay-preso-sa-vlog-ni-kylie-yun-yung-best-days-namin-ng-mama-mo-yung-nakakulong-ako
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.