Ice Seguerra, Liza Dino suportado ang laban ni Robin Padilla para maisabatas ang same-sex marriage | Bandera

Ice Seguerra, Liza Dino suportado ang laban ni Robin Padilla para maisabatas ang same-sex marriage

Ervin Santiago - August 21, 2022 - 09:55 AM

Liza Dino, Ice Seguerra at Robin Padilla

SUPORTADO ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño ang proposal ni Sen. Robinhood Padilla hinggil sa pagkilala at pagpapatupad ng kaukulang batas para sa civil union ng same-sex couples.

Sa ilalim ng proposed bill ng actor-politician, bibigyan ng karapatan ang same-sex couples sa “civil union, adoption, and social security and insurance benefits.”

Papatawan ng mga kaukulang parusa ang sinumang lalabag, “who knowingly or willfully refuses to issue civil union licenses or certificates despite being authorized to do so.”

Sa isang radio interview, ipinagdiinan ni Liza Dino na nais lamang nilang mamuhay ng normal tulad ng nga straight couples.

“We are citizens of this country and I think it is our right to be afforded these civil rights, very basic civil rights,” sabi ng dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Aniya pa, “Ang basic talaga sa akin, owning of property, recognizing ang aming mag-carry ng last names, adoption rights, social benefits.”

“Hirap kasi, doon mo na-realize hindi kami puwede mag-own ng properties together.

“So lahat ng pinag-ipunan naming dalawa nasa pangalan niya, wala sa pangalan ko,” ang punto pa ni Liza.

Sabi naman ni Ice, kung wala ang nasabing batas, hindi niya maaaring ampunin ang 14-year-old na anak ni Liza na si Amara. Siya na ngayon ang tumatayong ikalawang ama ng teenger.

View this post on Instagram

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino)


“They don’t see us as a family. For them, we’re just two people with a young person,” sey ng OPM icon at singer-songwriter.

Kasunod nito, hiniling din ni Ice sa mga religious group leaders sa iba’t ibang bahagi ng bansa na irespeto rin ang mga karapatan ng LGBTQIA+ community.

“We respect the churches, we respect the different religions against us. Wala kaming magagawa doon.

“But please respect us also as citizens of this country na karapat-dapat kaming may karapatan na proteksiyonan ng batas sa bansang ito,” pakiusap pa ng actor-director.

Willing din daw ang mag-asawa na libutin ang Pilipinas para makibahagi sa mga discussion tungkol sa kanilang ipinaglalaban.

“More than anything we want everyone to understand and be on board with this,” sabi pa ni Ice.

https://bandera.inquirer.net/282952/alma-suportado-ang-lovelife-ni-joey-winwyn-may-inamin-tungkol-sa-ina

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/319924/janno-gibbs-ramdam-na-ramdam-ang-lindol-sa-la-union-sunshine-guimary-naiyak-na-trauma
https://bandera.inquirer.net/282952/alma-suportado-ang-lovelife-ni-joey-winwyn-may-inamin-tungkol-sa-ina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending