Sassa Gurl tinabla si Heidi Mendoza dahil sa same sex marriage

Sassa Gurl binawi pagsuporta kay Heidi Mendoza dahil sa same sex marriage

Ervin Santiago - April 09, 2025 - 03:54 PM

Sassa Gurl binawi pagsuporta kay Heidi Mendoza dahil sa same sex marriage

Sassa Gurl at Heidi Mendoza

BIGLANG umatras ang content creator na si Sassa Gurl sa pagsuporta kay senatorial candidate Heidi Mendoza dahil sa isyu ng same sex marriage.

Proud member ng LGBTQIA+ community si Sassa Gurl at feeling niya, hindi tugma ang ipinaglalaban ni Mendoza tungkol sa mga tulad niyang bading.

Sa pamamagitan ng kanyang X account, ipinaalam ni Sassa sa publiko na binabawi na niya ang ibinanderang  suporta para sa dating Commission on Audit (COA) commissioner.

Pero sinabi naman ng vlogger na nirerespeto niya ang paniniwala ni Mendoza hinggil sa usapin ng same sex marriage.

“Iginagalang ko po ang tindig ni Mam Heidi Mendoza hinggil sa usapin ng marriage equality kaya ikinalulungkot ko pong ipinapaalam na binabawi ko po ang aking suporta.

“Hiling ko rin po ang inyong pang-unawa sa aking naging desisyon. Paumanhin at pasasalamat po sa inyo,” ang mensahe ng social media personality.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sassa Gurl (@itssassagurl)


Sinagot naman ito ni Mendoza at nagsabing, “No problem! Maraming maraming salamat pa din.”

Naging mainit na usapin sa social media ang isang video kung saan sinabi nga ni Mendoza ang hindi niya pagsuporta sa pagsusulong ng same sex marriage sa bansa kung sakaling makalusot siya sa Senado.

“Lahat ay may karapatan magmahal. Subalit, ang tunay na pagmamahal marunong kumilala at gumalang ng institusyon. Sa family code magkakaroon tayo ng hindi pagsasang-ayon,” ang sabi ni Mendoza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending