Sassa Gurl nanawagan sa kapwa-content creators, may pinatatamaan nga ba?
MAY panawagan ang binansagang “Pambansang Mima” na si Sassa Gurl para sa kapwa-content creators.
Ito ay tungkol sa kasalukuyang isyu na kinakaharap ng ilang influencers pagdating sa pagbabahagi ng kanilang contents sa publiko.
Sa pamamagitan ng isang TikTok video, ipinaalala ni Sassa Gurl na kailangang maging maingat at mabusisi, lalo na sa pagbibigay ng impormasyon.
“Mayroon lang po akong konting panawagan sa mga Filipino content creators,” panimula niya sa post.
Sey niya, “Lagi po nating tatandaan na ang popularity na meron po tayo ngayon is utang po natin sa mga Filipino audience na sumuporta po sa atin.”
“Napaka makapangyarihan niyan kaya responsable po dapat nating gagamitin ang ating platform,” sambit pa niya.
Sabi pa ng social media star, kung maaari ay mag-research muna bago gumawa ng content.
Baka Bet Mo: ‘Banta’ ni Sassa Gurl: Kabahan na kayo Barbie at Jak dahil ako na ang ibinabalita ng GMA! Lagot!
“Kaya wag na wag nating tatraydorin ang mga nanonood sa atin sa pagkakalat ng fake news at false information,” panawagan niya sa post.
Aniya pa, “Kung may time po tayong mag-setup ng ilaw at kung ano-anong mga background, dapat may time din po tayong mag-research sa mga bagay-bagay na ating ipo-promote.”
@sassagurldump
PSA po
♬ original sound – Sassa Gurl Dump
Libo-libong netizens naman ang sumang-ayon kay Sassa Gurl at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Sassa Gurl spitting facts. May mga blue check, pero hindi nag-Fact check [crying face emoji].”
“Very well said. That’s why I love you sassa — kahit you’re very funny, you’re serious when it calls for it.”
“Sapul MHIEMA! Kaya sayo ako e [clapping hands emoji] LOUDEEERRRRRRR!”
Walang na-mention kung ano ang naging dahilan kung bakit ibinandera ni Sassa Gurl ang nasabing video, pero tila pinatatamaan nito ang isyung may kaugnayan sa dating aktres at beauty queen na si Maggie Wilson.
Kung maaalala, noong September 26 nang mag-post ang dating aktres sa kanyang Instagram Stories kung saan makikita ang ilang screenshots ng mga tinutukoy niyang “script” TikTok content creators.
Ayon sa kanya, ginagamit umano ang mga ito bilang smear campaign laban sa kanya at sa kanyang lifestyle company na “Acasa Manila.”
Dahil diyan, isiniwalat ni Maggie na plano niyang magsampa ng reklamo sa korte laban sa mga taong may ganitong mga akusasyon, pero nangako naman siya na hindi niya ito itutuloy sakaling makipagtulungan ito sa kanya.
Related Chika:
Alice Dixson nag-explain kung bakit bigla niyang ipinakilala ang ‘panganay’ na anak sa publiko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.