Alice Dixson nag-explain kung bakit bigla niyang ipinakilala ang 'panganay' na anak sa publiko | Bandera

Alice Dixson nag-explain kung bakit bigla niyang ipinakilala ang ‘panganay’ na anak sa publiko

Ervin Santiago |May 30,2022
facebook
share this

Alice Dixson nag-explain kung bakit bigla niyang ipinakilala ang ‘panganay’ na anak sa publiko

Ervin Santiago - May 30, 2022 - 07:43 AM

Alice Dixson at Sassa

NAGPALIWANAG ang “First Lady” actress na si Alice Dixson sa publiko kung bakit ngayon lang niya ipinakilala ang “panganay” niyang anak na si Sassa.

Naging instant hot topic sa social media ang pag-amin ni Alice tungkol sa dalawa niyang anak noong nagdaang Mother’s Day.

Ang una nga raw na naging “anak” niya ay si Sassa na dumating sa buhay niya noong teenager pa ito, 10 taon na ang nakararaan. At kahit daw hindi siya ang biological daughter ng bata ay minahal niya ito ng parang tunay na anak.

Kuwento ni Alice sa podcast na “Updated with Nelson Canlas,” hindi raw niya kailanman itinago o ikinahiya si Sassa, sa katunayan palagi raw itong nasa social media posts niya at sumasama pa kapag nagpupunta siya sa GMA.

“Everybody knows na nandiyan siya but I didn’t really introduce her. And then bakit ko siya biglang in-introduce nitong Mother’s Day?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


“Well, it’s because and this is the real reason, last year, noong nagbanggit ako ng, ‘I’m now a new mother, my baby had arrived,’ na-realize ko na, ‘teka muna kahit paano naging mother din naman ako, hindi si Aura ang first ko.’ So I wanted just to acknowledge,” simulang paliwanag ni Alice.

Noong May, 2021, ipinakilala naman ng aktres sa publiko si Baby Aura, na nabuo naman sa pamamagitan ng surrogacy.

Sabi pa ni Alice, noong maraming bumati sa kanya ng “Happy Mother’s Day” last year, na-realize niya na hindi nga ito ang first experience niya bilang nanay.

“I don’t wanna forget about Sassa. That’s why this all came about. So hindi ko siya biological daughter, pero mahal ko pa rin siya all the same,” pahayag pa niya.

Samantala, noong dumating si Baby Aura sa buhay niya, naisip niya kung paano ang magiging relationship ng mga anak niya sa layo ng agwat ng kanilang mga edad.

“Syempre because there’s an age gap no, I was kinda wondering paano kaya sila mag-i-interact,” sey ni Alice.

Buti na lang daw at mahilig talaga sa mga bata si Sassa, “So immediately when they first met, she was kinda like, ‘I’m getting to know you,’ both of them.

“And then after a couple of days just the following day parang they were playing. You know, so natuwa talaga ako. Nagpapasalamat ako na napakabait na bata (ni Sassa),” aniya pa.

Inamin naman ng major-major kontrabida sa Kapuso primetime series na “First Lady”, na medyo confusing ang estado ng kanilang pamilya pero hindi naman daw ito ganu’n ka-complicated.

“Kahit paano complicated kasi yung family, di ba? Medyo may pagka-complicated, it’s called…actually it’s not complicated, it’s blended family,” paliwanag niya.

Nilinaw din ni Alice na hindi sa bahay niya nakatira si Sassa, naka-base raw ito sa Europe kasama ang kanyang lola.

“She’s an adult already and ready to face the world and I am so very proud of her,” pahayag pa ni Alice.

https://bandera.inquirer.net/313992/alice-dixson-nilinaw-na-buhay-pa-ang-nanay-ni-sassa-ayoko-naman-angkinin-ang-credit-sa-pagpapalaki-ng-kanyang-anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283763/alice-ipinakilala-na-ang-baby-sa-publiko-babae-po-ang-anak-ko-her-name-is-aura
https://bandera.inquirer.net/288243/heart-binalikan-ang-pagkawala-ng-kambal-nila-ni-chiz-worst-day-of-my-life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending