Hamon ng bagong calendar girl na si Sassa Gurl: Ano na Bea at Chie? Tara, shot puno, basagan! Chares! | Bandera

Hamon ng bagong calendar girl na si Sassa Gurl: Ano na Bea at Chie? Tara, shot puno, basagan! Chares!

Ervin Santiago |January 17,2022
facebook
share this

Hamon ng bagong calendar girl na si Sassa Gurl: Ano na Bea at Chie? Tara, shot puno, basagan! Chares!

Ervin Santiago - January 17, 2022 - 03:55 PM

Chie Filomeno, Bea Alonzo at Sassa Gurl

HANGGANG ngayon ay patuloy na umaani ng positibong reaksyon ang pak na pak na bagong calendar girl na si Sassa Gurl hindi lang mula sa netizens kundi maging sa mga sikat na celebrities.

Gumawa ng kasaysayan ang social media sensation nang bumandera ang kanyang kalendaryo bilang bagong endorser ng isang liquor brand.

Si Sassa Gurl ang kauna-unahang member ng LGBTQIA+ community na kinuha bilang endorser ng sikat na brand ng alak kaya naman talagang ipinagbunyi ito ng kanyang mga tagasuporta.

“Ngayong 2022, ang calendar model namin, ang laging nagpapainom tuwing may inuman. Ang aming White Castle 2022 Calendar Model, walang iba kundi ang Mima nyong busog, Sassa Gurl!” ang nakalagay sa announcement ng nasabing produkto.

Ayon naman kay Sassa, “May alak ka na, may pulutan ka pa!!! Napakingan na tayo mga bakla! Para to sa mga baklang umaawra sa inuman at nazezero, eto na tayo na ang naka booking sa calendar gurl,” 

Bukod dito, ipinost din niya sa kanyang Facebook ang bonggang-bongga niyang kalendaryo at hinamon pa sina Bea Alonzo at Chie Filomeno na parehong calendar girl ngayong taon. Si Bea para sa Tanduay habang si Chie naman ay sa Ginebra San Miguel.

Hirit ni Sassa Gurl, “I-set na ang inom!!!! Ako na agad ang pulutan. Ano na Bea at Chie tara!!! SHOT PUNO!!! BASAGAN!!! chares!”

Sagot ni Chie sa kanya, “Tara mima Sassa Gurl shot puno!” Na hiniritan naman ni Sassa ng, “Tara na sama mo na din si Daisy_licious Ukay labasan lang ng sama ng loob. sagot ko na betsin.”

Isa sa mga unang natuwa para sa socmed influencer at vlogger ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Ipinost niya sa Twitter ang kalendaryo ni Sassa at nilagyan ng caption na, “Winner! Panalo! Wagi! Title!!! Tah kayo!!!” 

Comment naman ni Barbie Imperial, “IBA,” with matching fire emoji pa.

Pati ang Kapuso actor na si Ruru Madrid ay napa-react sa pasabog ni Sassa. Aniya, “Haneppp,” kasunod ang napakaraming fire emojis.

“Game changer (clapping hands emoji),” ang sabi naman ni Bianca Gonzalez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa mga nakakaaliw niyang TikTok videos, nakilala rin si Sassa Gurl sa kanyang mga  YouTube vlogs pati na sa Twitter dahil sa mga nakakaaliw at nakakatawa niyang mga posts.

‘Banta’ ni Sassa Gurl: Kabahan na kayo Barbie at Jak dahil ako na ang ibinabalita ng GMA! Lagot!

Chie Filomeno ibinandera ang sexy body bilang 2022 calendar girl

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending