'Banta' ni Sassa Gurl: Kabahan na kayo Barbie at Jak dahil ako na ang ibinabalita ng GMA! Lagot! | Bandera

‘Banta’ ni Sassa Gurl: Kabahan na kayo Barbie at Jak dahil ako na ang ibinabalita ng GMA! Lagot!

Ervin Santiago |June 18,2021
facebook
share this

‘Banta’ ni Sassa Gurl: Kabahan na kayo Barbie at Jak dahil ako na ang ibinabalita ng GMA! Lagot!

Ervin Santiago - June 18, 2021 - 09:18 AM

“BINALAAN” ng internet sensation na si Sassa Gurl sa pamamagitan ng isang TikTok video ang celebrity couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Dito, ipinakita ni Sassa Gurl ang isang news article tungkol sa first acting project niya sa “Wish Ko Lang” kung saan nakasama niya sina Ruru Madrid, Angela Alaracon, at iba pang Kapuso stars.

“Oh, ‘di ba? So, ito na nga. Na-feature ako sa GMA Network. Lagooooot! ‘Di ba? Hindi n’yo kaya. May balita na sa ‘kin,” pahayag ni Sassa Gurl sa kanyang TikTok video. 

Kasunod nga nito ang tila may pagbabantang mensahe niya para sa Kapuso stars at magdyowang sina Barbie at Jak.

“So, naaalala n’yo ‘yung news kay Barbie Forteza at saka Jak Roberto, na laging pinopost ng GMA Network?

“Kabahan na kayo Barbie Forteza at Jak Roberto dahil ako na. Ako na ang binabalita ng GMA. Lagot!” chika pa ng internet star.

Aliw na aliw naman ang mga tagasuporta ni Sassa Gurl pati na ang fans ng tambalang JakBie. In fairness, puro positibo ang comments ng netizens sa paandar ng komedyante.

Nang makarating naman kay Barbie ang pasabog ni Sassa Gurl, nag-post din siya ng ng video sa TikTok kung saan ibinandera niya ang kanyang resbak sa pamamagitan ng facial reactions.

Kunwari’y na-shock pa ang Kapuso Primetime Princess nang mabanggit ni Sassa Gurl ang mga balita na isinulat noon tungkol sa kanila ni Jak, pero natawa lang siya nang pabiro na siyang binalaan ni Sassa Gurl.

Ibinahagi rin ni Barbie sa Twitter ang nasabing reaction video na may caption na, “LAGOT!!! Go gurl!”

Agad namang nag-post si Sassa Gurl ng “public apology” kung saan tinawag niya ang dyowa ni Jak na “payat na babae” at “diyosa ng GMA.”

Kasunod nito, nag-post din si Sassa Gurl sa kanyang Instagram ng isang photo ng dating Kapuso drama series na “Kara Mia” kung saan bumida si Barbie.

Ngunit sa halip na mukha ng co-star ni Barbie sa serye na si Mika dela Cruz ang nasa photo ay ang face ni Sassa Gurl ang nakalagay dito na ang nakasulat na title ay, “Kara Mima.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lagot tuloy na tuloy ang ngudngudan sa kanal,” ang caption ni Sassa Gurl sa ipinost niyang parody photo na naging instant hit din sa mga netizens. At in fairness, pinusuan din ito ni Barbie na halatang nag-enjoy din sa “confrontation scene” nila ni Sassa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending