'Robinhood ang itawag n'yo sa akin' — Robin Padilla | Bandera

‘Robinhood ang itawag n’yo sa akin’ — Robin Padilla

Ervin Santiago - July 13, 2022 - 07:37 AM

Robin Padilla

SUMULAT na sa kinauukulan ang action star at bagong halal na senador na si Robin Padilla kaugnay ng kanyang request hinggil sa paggamit ng tunay niyang pangalan.

Ayon sa veteran actor, mas gusto niyang tawagin siyang “Robinhood Padilla” (tunay niyang pangalan) ng mga kapwa niya senador at ng lahat ng mga nagtatrabaho sa pamahalaan, partikular na nga sa Senado.

Ipinadala ni Robin sa Senate secretariat ang kanyang liham (may date na July 6) kung saan hiniling niya na i-address siya ng lahat gamit ang kanyang full name.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)


Naka-address kay Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica ang nasabing liham, kung saan nakasaad nga ang hiling ni Binoe na tawagin siyang “Robinhood C. Padilla” kapag nasa Senado siya at iba pang political events.

“This is to respectfully inform your good office of this Representation’s preference to be address as ROBINHOOD C. PADILLA for all Senate communications and correspondences,” ang bahagi ng liham ng aktor na siyang nag-number one sa senatorial race last May 9 national elections.

“Mainam po kasi na tunay na pangalan ko po ang gamitin sa records ng Senado. Pero sa media po ok lang po na Robin,” ang pahayag pa ng beteranong aktor sa isang panayam.

Sa Viber message naman ni Senate President Pro Tempore Juan Miguel Zubiri sa Inquirer.net wala raw siyang nakikitang problema o issue sa request ni Robin

“Yes absolutely, no problem with his request,” ani Zubiri.

Inaasahang si Robin ang magiging chair ng Senate panel on constitutional amendments and revision of codes, pati na ang  committee on public information.

https://bandera.inquirer.net/307812/kris-aquino-bongbong-marcos-napagbati-ni-lolit-solis-noon-shocked-pa-nga-si-tita-cory-ng-lumabas-sa-news

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/304102/bakit-bawal-nang-maglabas-si-karen-davila-ng-mga-presidential-interview-sa-kanyang-vlog
https://bandera.inquirer.net/308002/kris-sa-sobrang-kapayatan-parang-nabugbog-nang-bongga-yung-feeling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending