Sisteraka ni Andrea pumalag sa bashers matapos ang viral 'promposal' sa Blackpink concert: 'Leave my sister alone you bitter people' | Bandera

Sisteraka ni Andrea pumalag sa bashers matapos ang viral ‘promposal’ sa Blackpink concert: ‘Leave my sister alone you bitter people’

Ervin Santiago |March 27,2023
facebook
share this

Sisteraka ni Andrea pumalag sa bashers matapos ang viral ‘promposal’ sa Blackpink concert: ‘Leave my sister alone you bitter people’

Ervin Santiago - March 27, 2023 - 01:25 PM

Sisteraka ni Andrea pumalag sa bashers matapos ang viral 'promposal' sa Blackpink concert: 'Leave my sister alone you bitter people'

Andrea Brillantes, Ricci Rivero at Kayla Aan Gorostiza

UMANI ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang ginawang “promposal” ng Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes sa kanyang boyfriend na si Ricci Rivero.

Viral at trending pa rin ngayon ang pagyayaya ni Andrea sa dyowang basketball player para maging escort niya sa gaganaping Star Magic Prom ng Kapamilya Network.

Nangyari ito sa mismong “Born Pink” concert ng Korean pop girl group na “Blankpink” sa Philippine Arena nitong nagdaang Marso 26.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Dahil nasa harapan ng stage ang magdyowa ay nakita agad nina Blackpink Rosé at Lisa ang itinaas na placard ni Ricci at binasa ang nakasulat dito, “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

“Please go to prom with that girl,” ang pakiusap ni Rosé kay Ricci. Sumagot naman ang binata ng, “Yes!” sabay halik sa noo ni Andrea na sinundan ng hiyawan at palakpakan mula sa audience.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs sinupalpal ang basher: I guess that’s how far your vocabulary goes

Ayon sa ilang netizens, parang tinalbugan ni Andrea ang “girlfriend proposal” ni Ricci noong April, 2022 pagkatapos ng kanilang basketball game.

May mga nagtanong din kung bakit si Andrea pa ang nagyaya sa lalaki, kasabay ng pang-ookray sa kanya at inakusahan pang “papampam” at “clout chaser.”

To the rescue naman ang sisteraka ni Andrea na si Kayla Aan Gorostiza laban sa mga haters. Sa kanyang Instagram story, ni-repost nito ang ilang litrato ng kapatid at ni Ricci na kuha sa concert ng Blackpink.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Ang text caption sa IG story ni Andrea na unang naireport sa isang website, “Yes, yun naman talaga ang point. Fan talaga ang kapatid ko, masama ba kung nag try siya magpapansin sa idols nya? Aminin na natin, lahat tayo gusto nating mapansin ng Blackpink, ok???

“Umaga pa lang nasa arena na siya para pumila just like everyone else. Nagpaprint siya ng 6 banners para to do a promposal for her very first prom,” pagtatanggol pa niya sa kapatid.

Pagpapatuloy pa niya, “Nagtiis siya ng init, tumayo ng ilang oras, at nagtiis siya wag umihi.

“She exerted as much effort as everyone else. Artista siya pero hindi ibig sabihin non na bawal siya umasta na parang normal na tao…

“Di talaga ko nagrereact sa mga ganitong bash but damn, leave my sister alone you bitter people. She’s allowed to be a fan girl,” ang matapang na pahayag pa ni Kayla.

Seth Fedelin hands on sa surprise, sinagot ng ‘yes’ ni Francine Diaz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Blackpink tinulungan si Andrea Brillantes sa paandar na ‘promposal’ kay Ricci Rivero: ‘He said YES!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending