Ricci Rivero tinawag na ‘bida-bida’ si Xian Gaza
HINDI na nakapagtimpi ang model at basketball player na si Ricci Rivero sa “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza at sinabihan itong “bida-bida”.
Nag-post kasi ang social media personality sa kanyang Facebook page patungkol sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes noong Lunes, November 27.
View this post on Instagram
“For the last one year eh maraming beses kong tsinismis si Andrea Brillantes. Punta kaya ako sa meet & greet niya dito sa Dubai para mabwiset. Pila ako with face mask tapos kapag turn ko na bulagaaa nyeeeaaaaam hahaha badtrip siguro yon,” saad ni Xian.
At dahil nga muli na namang trip ng social media personality ang kanyang girlfriend ay hindi na napigilan ni Ricci ang magkomento.
Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang screenshot ng post ni Xian.
“HAHAHA BIDA BIDA KA MASYADO,” saad ni Ricci bilang caption sa kanyang IG story.
Agad namang nakarating ang balita kay Xian at nag-post rin ito ng screenshot ng IG story ng basketbolista pati na rin ang IG account nito.
“MAY KINABAHAN HAHAHAHAHA AMPOGI KO TALAGA,” banat naman ng social media personality.
“MAY MOTIVATION NA KO NGAYON PARA GAWIN ANG PLANO HAHAHAHAHA,” dagdag pa niya sa comment section na waring inaasar pa lalo si Ricci.
Hirit pa niya, “Parang batang aagawan ng candy ihh hahaha.
“Meet & Greet lang eh? Ang hirap talaga maging pogi. Matatakot talaga yung jowa at baka maagaw mo. Pogi problems,” pambubwisit pa lalo ni Xian kay Ricci.
Samantala, wala pa namang sagot o reaksyon ang mag-dyowang Kapamilya actress at basketball player sa pang-aalaska ng social media personality sa kanila.
Related Chika:
Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega
Andrea Brillantes, Ricci Rivero ‘dating’ na ayon sa source ni Mama Loi
Ricci Rivero tinupad ang promise sa UP Ikot Drivers, naibigay na ang P200k ayuda
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.