Andrea sumusumpa na hindi pinagsabay sina Seth at Ricci: Wala pa talaga akong planong mag-boyfriend ulit, pero... | Bandera

Andrea sumusumpa na hindi pinagsabay sina Seth at Ricci: Wala pa talaga akong planong mag-boyfriend ulit, pero…

Ervin Santiago |July 11,2022
facebook
share this

Andrea sumusumpa na hindi pinagsabay sina Seth at Ricci: Wala pa talaga akong planong mag-boyfriend ulit, pero…

Ervin Santiago - July 11, 2022 - 03:33 PM

Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Ricci Rivero

HINDI pinlano ni Andrea Brillantes ang pumasok sa isang seryosong relasyon at ma-fall agad-agad sa basketball player at aktor na si Ricci Rivero.

Hindi na raw kasi napigilan ng Kapamilya actress ang puso niya na ma-in love kay Ricci kahit kagagaling lang nito sa “biggest heartbreak.”

“Wala po talaga akong plano mag-boyfriend ulit kasi galing po ako sa biggest heartbreak ko.

“Lost na ako, tapos habang nagkaroon ng issue sa biggest heartbreak ko na yun, namatay din yung tita ko. Lahat ng hurt ko noon, pinagtawanan lang ng mga tao,” pahayag ni Andrea sa bagong vlog ni Karen Davila sa YouTube.

Pagpapatuloy ng young actress,  “Sinasabi nila wala akong karapatan masaktan. Hindi nila alam na hurt and confused lang ako sa mga nangyayari.

“Ako sobrang lost ko noon. Hindi ko nga alam kung paano mag-move on. Paano ba mag-move on sa tita ko tapos yung sa issues na sinasabi ng lahat ng tao?” lahad pa ng ex-girlfriend ni Seth Fedelin.

Ang tinutukoy ni Andrea na issue ay ang paghihiwalay nila ni Seth na dati niyang ka-loveteam kung saan ang itinuturong third party ay si Ricci.

Ikinagulat kasi ng SethDrea fans ang biglang paghihiwalay ng dalawa at pagkalipas nga lang ng ilag buwan ay naging sila na ni Ricci.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Pero dinenay ni Andrea na pinagsabay niya sina Seth at Ricci, “Nu’ng nakita ko siya (Ricci), wala na rin naman kami nu’ng ex ko noon. Wala pong third party or anything. Nu’ng nakita ko siya, sawi pa rin ako du’n sa isa. Alam din naman yun ni Ricci.”

Inamin din ni Andrea na ayaw daw niya talagang magkaroon ng dyowang basketball player dahil sa mga naririnig niyang tsismis tungkol sa mga ito pero naramdaman naman daw niya na seryoso sa kanya ang cager kaya sinagon na niya ito.

https://bandera.inquirer.net/314608/true-ba-laging-si-andrea-brillantes-ang-nagbabayad-sa-date-nila-ni-ricci-rivero

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/311882/ricci-rivero-sa-pag-convert-sa-kanya-ni-andrea-this-isnt-about-her-being-a-perfect-girlfriend
https://bandera.inquirer.net/314023/ricci-rivero-tinupad-ang-promise-sa-up-ikot-drivers-naibigay-na-ang-p200k-ayuda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending