Ricci Rivero tinupad ang promise sa UP Ikot Drivers, naibigay na ang P200k ayuda
TINUPAD ng basketball player na si Ricci Rivero ang kanyang pangako sa isang grupo ng jeepney driver na bumibiyahe sa University of the Philippines Diliman.
Isang linggo matapos magwagi sa UAAP game masayang ibinalita ng boyfriend ng young actress na si Andrea Brillantes na naibigay na niya sa perang nalikom sa isinagawang charity event kamakailan.
Ayon kay Ricci, nai-turn over na niya ang P200,000 donation para sa UP Ikot Drivers Association na nagmula sa kanyang “Buckets of Hope” charity program.
Pormal na tinanggap ni UP Ikot Drivers Association President Cesar Santamaria ang donasyon mula kay Ricci kasama ang kanyang pamilya at si Virtual Playground CEO Charlie Dy, at iba pang mga sponsors.
Sinimulan ng binata ang nasabing charity event ilang linggo na ang nakararaan para sa mga PUJ drivers na matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
View this post on Instagram
Nangako ang young cager na magdo-donate siya ng P250 sa bawat puntos na magagawa niya sa kabuuan ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament.
At sa huling report, nakagawa siya ng 257 points sa kanyang final year bilang miyembro ng Fighting Maroon. Nito ngang nagdaang Biyernes, natalo ng team ni Ricci ang Ateneo Blue Eagles sa Game 3 ng finals na ginanap sa Mall of Asia Arena.
“When I committed to UP four years ago at nakita ko kung gaano ako kainit tinanggap ng buong community, pinangako ko sa sarili ko na makabawi sa kanila sa kahit paanong paraan.
“Napakarami na pong nangyari sa mga nagdaang taon. Marami na din po ang naibato sa akin, but despite those mixed reactions that I faced, one thing remained constant, at yun ay ang laging mangibabaw lamang ang pasasalamat sa kanilang pagmamahal.
“Isa po itong ‘Buckets of Hope’ sa aking maliit na paraan para po masuklian ang kanilang suporta. Sana po makatulong kahit paano sa kanilang mga pamilya,” pahayag ni Ricci sa isang interview.
View this post on Instagram
Bukod sa donasyon ng cager, tinapatan nga ito ng kanyang handler na Virtual Playground kaya mas lumaki pa ang naibigay nila sa mga PUV driver.
Dagdag pa rito, nangako rin si UP College of Human Kinetics Dean Kiko Diaz at Debbie Tolentino ng P50 kada score na magagawa ni Ricci.
At mula nga sa P154,200, umabot pa sa P200,000 ang kabuuan ng donasyon nina Ricci matapos magbigay si Jeao Diaz ng Sagittarian Agricultural Philippines at Ilagan councilor Jayve Diaz.
In fairness, mukhang sinuswerte nga si Ricci ngayong 2022 dahil bukod sa inaasam na kampeonato sa UAAP, bonggang-bongga rin ang kanyang lovelife sa piling ng girlfriend na si Andrea Brillantes.
https://bandera.inquirer.net/308948/ricci-rivero-pasabog-ang-charity-project-para-sa-up-ikot-drivers-p250-donasyon-kada-puntos-sa-uaap
https://bandera.inquirer.net/308329/andrea-brillantes-ricci-rivero-dating-na-ayon-sa-source-ni-mama-loi
https://bandera.inquirer.net/309803/dingdong-naranasang-maging-jeepney-driver-reaksyon-ng-netizen-hindi-ako-sasakay-nakakainsulto-eh
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.