Seth Fedelin hands on sa surprise, sinagot ng 'yes' ni Francine Diaz Bandera

Seth Fedelin hands on sa surprise, sinagot ng ‘yes’ ni Francine Diaz

Therese Arceo |March 18,2023
share this

Seth Fedelin hands on sa surprise, sinagot ng ‘yes’ ni Francine Diaz

Therese Arceo - March 18, 2023 - 06:52 PM

Seth Fedelin hands on sa surprise, sinagot ng 'yes' ni Francine Diaz
SUCCESS ang lahat ng pinlano ng Kapamilya actor na si Seth Fedelin para mapa-yes sa kanyang “promposal” ang Kapamilya actress na si Francine Diaz.

Sa isang video na ibinahagi ng Star Magic ay makikitang abalang-abala ang binata habang para sa set-up ng kanyang surprise para sa dalaga.

“Will you be my… Will you marry dapat ‘yan bakit n’yo pinalitan?” saad ni Seth habang inaayos ang mga letter balloons sa sahig.

Kwento niya, almost a week rin niya pinag-isipan at pinagplanuhan ang kanyang promposal kay Francine.

“Pero simple lang naman ‘to and gusto ko lang gawing nakakakilig, bagets style. Ayoko ng masyadong engrande. ‘Yung simple lang kasi simple lang naman siya, si Chin,” pagbabahagi ni Seth.

Aniya, kinausap niya ang mommy ni Francine maging ang manager nito para ipagpaalam ang gagawin niyang proposal.

“Namili kami, galing kami sa Dangwa. Namili ako ng bulaklak na gusto niya, ‘yung alam kong paborito niya. Ang pinakaespesyal dito, magpapa-fireworks si Sethy Boy,” kwento pa ni Seth.

Ang ginawa niyang plano ay inaya niya lang ng dinner at bonding si Francine kasama ang kanyang pamilya.

“Excited ako talaga. Sana maging maayos to at maganda. Para sa kanya to, para kay Francine to. Espesyal siya kaya gawin nating espesyal tong araw na ito,” nakangiting sabi ni Seth.

Maya maya nga ay dumating si Francine at tila nagsungit sa binata at sinabing sana ay sa BGC na lang sila nagpunta bagay na tinawanan lang niya.

Baka Bet Mo: Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters

“Maraming tao don,” sagot niya sabay tanong kung pwedeng i-blindfold ang dalaga.

Inalalayan na nga ni Seth si Francine papunta sa kanyang surprise at iniwan ito sa entrance para pumwesto paharap sa dalaga.

Kitang-kita ang gulat at pagkamangha ni Francine nang tanggalin ang blind fold sabay lapit sa binata.

“Will you be my prom date? Yes or no,” tanong ni Seth.

Biro naman ni Chin, “Pwedeng mag-isip mga 2 months? Tapos na ‘yung [Star Magic Prom].”

Matapos sagutin ng “yes” ni Francine si Seth ay ang pagputok ng fountain na ang binata mismo ang bumili sa Bulacan.

Tila speechless naman ang dalaga sa mga pa-sorpresa ng aktor habang tinitognan ang buong set-up sa lugar.

“Thank you. Obvious naman na plinano mo to. Kita ko ‘yung nerbyos nito ngayon. Napi-feel ko ‘yung kaba mo. Kaya pala first time magputi ni Seth… first time niyang magsuot ng ganyan,” natatawang bahagi ni Francine.

Pag-amin ni Francine, super na-surprise siya dahil ang alam niya ay magdi-dinner lang sila.

Usually raw kasi ay kapag nag-aaya ng dinner ang pamilya ni Seth ay dinner lang talaga kaya hindi na naisip ni Francine na may pasabog pala ang binata.

Marami naman sa kanilang followers ang talagang kinilig sa simple pero punung-puno ng love na promposal ng aktor.

“Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako hanggang matapos ang video ang ganda ng surprise ni seth and I love seeing Francine happy,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ito yung umiiyak ka na sa sobrang kilig. Ang sarap sa puso, grabe napaka genuine at alam kong true to life itong nararamdaman ni sethyboy. Alagaan at mahalin mo din sana siya Francine, in real not reel.”

“Sobrang genuine at pure ni seth kay chin, pamula birthday hanggang promposal grabi todo effort!! aa the consistency!! sethy best boy,” sey pa ng isang fan.

Related Chika:
Magdyowa na nga ba sina Seth Fedelin at Francine Diaz?

Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending