Francine Diaz, Seth Fedelin hindi kayang mag-cheat: Bawal na bawal!
“CHEATING is cheating is cheating!” Yan ang paniniwala ng magka-loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin pagdating sa usapin ng panloloko o pagtataksil.
Ayon sa lead stars ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na “My Future You”, non-negotiable para sa kanila ang lokohan sa isang seryosong relasyon.
“Ang cheating kasi, bawal ‘yan, unang-una. Yes, tao ka, pero ang cheating, tine-take ko po ‘yan as yabang sa sarili ko eh.
“Hindi mag-cheat, mayabang ako ah, hindi ganu’n. Kumbaga, hindi ko ‘yun ginagawa para maipagmalaki ang sarili ko,” pahayag ni Seth sa isang panayam.
Baka Bet Mo: Julie Anne San Jose pagdating sa ‘cheating’: ‘It’s nonnegotiable!’
Paglilinaw ng aktor, “Pero hindi ko iboboses sa tao na hindi ako magtsi-cheat para mas maramdaman ko na dapat akong mahalin.
“Kaya dapat worth it ako, kasi hindi ko kayang gawin sa ‘yo ‘yan,” dugtong ng Kapamilya star.
View this post on Instagram
Ipinagdiinan din ng binata na never pa siyang nanloko o nagtaksil sa kanyang mga relasyon.
Para naman kay Francine, “Unang-una sa lahat, hindi ka magtsi-cheat kapag totoong nagmamahal ka.
“Hindi kailangang ma-test ‘yung loyalty mo, hindi kailangang ma-test ‘yung pagmamahal mo sa isang tao, at hindi dapat papasok ever sa isip mo na gusto kong mag-cheat,” pananaw ng aktres.
Dagdag ni Francine, natatakot siyang mag-cheat dahil baka bumalik sa kanya ang ginawang kasalanan. Bukod dito, relihiyosa rin daw ang kanyang pamilya partikular na ang nanay niya.
“‘Yun ang isang bagay na hindi ko magagawa. Ikaw mismo sa sarili mo, mararamdaman mo ‘yon na hindi tama, eh.
“Ako rin po kung magmahal ako, talagang ito lang eh. Diretso lang ‘yung daan, walang right, walang left, walang U-turn, walang roundabout. It’s just straight,” sey ni Francine.
Samantala, showing pa rin sa mga sinehan ang MMFF 2024 entry na “My Future You,” sa direksyon ni Crisanto Aquino mula sa Regal Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.