Seth nagtapat ng damdamin kay Francine habang nasa eroplano

Seth nagtapat ng damdamin kay Francine habang nasa loob ng eroplano

Ervin Santiago - December 30, 2024 - 06:00 AM

Seth nagtapat ng damdamin kay Francine habang nasa loob ng eroplano

Seth Fedelin at Francine Diaz

UNANG kita pa lamang ni Seth Fedelin sa kanyang ka-loveteam na si Francine Diaz ay nakaramdam na agad siya ng “spark”.

Nagkuwento ang dalawang Kapamilya stars at mga bida sa Metro Manila Film Festival 2024 na “My Future You” tungkol sa pagsisimula ng kanilang loveteam at kung ano ba talaga ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Sa guesting nila sa “Fast Talk With Boy Abunda” kamakailan, napag-usapan kung paano nagtapat si Seth ng kanyang tunay na damdamin kay Francine

Sey ni Seth, unang kita pa lang niya sa dalaga ay naintriga na agad siya sa personality ni Francine at totoo ring nakaramdam na raw agad siya ng kilig.

Baka Bet Mo: Seth feeling lucky kay Francine: Nakita ko kung gaano ka kabuting tao

Saad ng aktor, inamin niya kay Francine ang kanyang damdamin noong pauwi na sila mula sa taping ng isang out-of-town show.

“Nasa eroplano po ‘yon, magkatabi ng upuan tapos nakinig kami ng music. Isa kami ng earphones. Tapos nakikinig kami ng OPM songs,” simulang pagbabahagi ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi naman ni Francine, masakit ang kanyang tainga noon, kaya sabi ni Seth makinig raw muna sila ng music. Kasunod nito nagtapat na nga sa kanya si Seth.

“Tapos biglang sabi niya, ‘Alam mo ba crush kita?’ Tapos sabi ko ‘Hmmm, dyino-joke mo lang naman ako eh.’ Tapos tawa siya nang tawa. Sabi ko, ‘Bakit mo ko crush?’

“Sabi niya, ‘Kasi kapag nakikita kita sa taping, lumiliwanag ‘yung mundo ko.’ Tapos tumatawa lang ako sa kanya.

“Sabi pa niya, ‘Lumiliwanag ‘yung araw ko, sumasaya ako, parang ang gaan-gaan mo kausap.’ Hindi raw ako makabasag pinggan,” pagbabahagi pa ni Francine sa mga sinabi sa kanya ni Seth.

“Sabi ko, ‘Hmmm, mawawala rin ‘yan.’ Tapos wala na, ‘yun na ‘yung end of story,” sey ni Francine.

Sunod na tanong ni Tito Boy kay Seth kung kailan ito nagsabi ng “I love you” sa kanyang ka-loveteam.

“Alam niyang mahal ko siya. Ang pagmamahal, maraming klase ng pagmamahal,” ani Seth.

Humirit naman si Tito Boy sa aktor ng, ”Seth, huwag mo akong paikutin. Maraming klase ng pagmamahal, pagmamahal sa magulang, pero alangan namang magulang si Francine. ‘Yung kapag sinabi mong ‘Mahal ko si Francine,’ mahal mo si Francine.”

Natatawang sagot ni Seth na napatingin sa camera, “Alam niyo na ‘yun.”

“Oo, alam na namin ‘yun,” sey naman ni Tito Boy.

“Merry Christmas!” ang natatawa pa ring sabi ni Seth.

Nauna rito, sinabi ni Francine na hinay-hinay lang sila ni Seth at hindi naman kailangang magmadali sa pakikipagrelasyon, “Totoo po, kung nasaan kami ngayon, hindi po namin ‘yun minadali talaga.

“Kung pwede lang talaga, kung kaya naming ma-explain lahat ng napagdaanan po namin para makapag-holding hands kami.

“Ako, po grateful po ako na mayroon akong Seth sa buhay ko. Hindi po kasi biro ‘yung bigyan ka ng Diyos ng someone na matatawag mong best friend,” pagbabahagi ng dalaga.

Pagsalo sa kanya ni Seth, “Hindi talaga biro. Alam naman po natin ‘yan, lalo na nun’g mga nakaraan. Hindi po biro na makuha ang tiwala ng mga magulang ni Francine at ni Francine.

“Sobra ko pong ginalingan. Alam ko kulang pa, alam ko, meron pa ‘kong kayang magawa, alam ko na meron pa ‘kong kayang ibigay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapag tinatanong kami, ‘kayo na?’ hindi po biro guys, hindi po biro na maging kami agad,” paliwanag pa ni Seth na naniniwalang may tamang panahon para sa lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending