Seth Fedelin nakapagpatayo na ng bahay para sa mga magulang sa edad na 21; FranSeth may pasabog sa 2024 | Bandera

Seth Fedelin nakapagpatayo na ng bahay para sa mga magulang sa edad na 21; FranSeth may pasabog sa 2024

Ervin Santiago |November 06,2023
facebook
share this

Seth Fedelin nakapagpatayo na ng bahay para sa mga magulang sa edad na 21; FranSeth may pasabog sa 2024

Ervin Santiago - November 06, 2023 - 07:39 AM

Seth Fedelin nakapagpatayo na ng bahay para sa mga magulang sa edad na 21; FranSeth may pasabog sa 2024

Seth Fedelin kasama ang kanyang pamilya

NANG dahil sa tiwala at suporta ng ABS-CBN at ng kanyang mga fans ay napakarami nang na-achieve at naipundar ng Kapamilya youngstar na si Seth Fedelin.

Muling pumirma ng exclusive contract si Seth sa ABS-CBN Network nitong nagdaang November 3 kaya naman asahan ang mas marami pang bonggang projects ng binata sa susunod na buwan at mga taon.

Pinatunayan ng binata ang kanyang loyalty bilang isang Kapamilya sa mga nagdaang taon kaya naman muli siyang pinagkatiwalaan ng network at pinipirma ng bagong kontrata.

Sa naganap na contract signing, ipinalabas ang isang video kung saan ilang mga kapamilya at kaibigan ang bumati at nag-congratulate sa kanya. Sabi ni Seth after watching the clip, parang mas ginanahan pa siyang magtrabaho.

“Lahat naman siguro ng mga tao deserve makarinig ng ganu’n. Nakakapagod ang ating trabaho, mentally and physically nakakapagod siya.

Baka Bet Mo: Brenda Mage ibinandera ang naipundar na property, tinawag na ‘Hinaguan Farm’: ‘Pinagtrabahuan ko talaga at pinaghirapan ‘to!’

“Kanina nu’ng narinig ko yung, ang sarap sa pakiramdam. Nakakabawi kumbaga full charge ka, pang-isang taon na energy ulit,” ang mensahe ng ka-loveteam ni Francine Diaz sa panayam ng press.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Nagpasalamat din siya sa lahat ng taong patuloy na nagmamahal at nagtitiwala sa kanya, lalo na ang ABS-CBN at ang kanyang mga supporters na mula noong magsimula siya sa showbiz ay nariyan pa rin hanggang ngayon.

Super thankful din siya na nabigyan ng pagkakataon na maging host sa noontime show na “It’s Your Lucky Day” kung saan isa siya sa nagsilbing mga “Lucky Stars.”

Partikular na binanggit niya ang mga kasamahan niya sa show na sina Robi Domingo at Luis Manzano na talagang all-out ang naging suporta sa kanya.

“Nu’ng day 1 namin, kinakabahan talaga ako. Di ko alam ano gagawin ko at thankful ako dahil yung mga kasama namin sa It’s Your Lucky Day sobrang welcoming at ginaguide kami, sina kuya Luis, kuya Robi, ate Melai (Cantiveros) at ate Jennica (Garcia),” pagbabahagi ng binata.

Baka Bet Mo: Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Samantala, masaya ring ibinahagi ni Seth na marami na rin siyang naipundar simula nang magtrabaho siya sa showbiz.

“Pinapagawa ko yung bahay ng parents ko and ang sarap lang sa pakiramdam. Iyayabang ko lang po ah, 21 ako at nabigyan ko ng bahay yung mga magulang ko. Kahit anong mangyari makakatulog sila, makakapagpahinga ng maayos.

“Dahil yun sa ABS-CBN at siyempre sa mga boss natin na nagtiwala talaga sa akin. Nakikitaan nila ako ng pagsusumikap siguro,” sabi pa ng young actor.

At tungkol naman sa mga susunod niyang projects, may niluluto na raw ang mga bossing ng Kapamilya network para sa kanila ni Francine. Aniya, pareho nilang wish ng dalaga na makagawa naman ng romantic-comedy pagkatapos ng “Fractured” at “Dirty Linen.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Meron pong aabangan siyempre po sa amin ng FranSeth pero di ko pa pwedeng sabihin ngayon,” ang sey pa ni Seth.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending