Brenda Mage ibinandera ang naipundar na property, tinawag na 'Hinaguan Farm': 'Pinagtrabahuan ko talaga at pinaghirapan 'to!' | Bandera

Brenda Mage ibinandera ang naipundar na property, tinawag na ‘Hinaguan Farm’: ‘Pinagtrabahuan ko talaga at pinaghirapan ‘to!’

Ervin Santiago |February 05,2023
facebook
share this

Brenda Mage ibinandera ang naipundar na property, tinawag na ‘Hinaguan Farm’: ‘Pinagtrabahuan ko talaga at pinaghirapan ‘to!’

Ervin Santiago - February 05, 2023 - 08:05 AM

Brenda Mage ibinandera ang naipundar na property, tinawag na 'Hinaguan Farm': 'Pinagtrabahuan ko talaga at pinaghirapan 'to!'

Brenda Mage

IBINANDERA ng komedyante at former “Pinoy Big Brother” housemate na si Brenda Mage sa buong univers ang kanyang naipundar na bonggang farm.

Ito raw ang katas ng kanyang mga paghihirap, pagsasakripisyo at pagsisikap sa ilang taong pagtatrabaho sa mundo ng showbiz.

Ipinakita ni Brenda o Bryan Roy Tagarao sa tunay na buhay, sa pamamagitan ng Facebook, ang nabiling property na tinawag niyang “Hinaguan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)


“Magandang Umaga mga Higala…sa tagal ng aking pag iisip kung anu ipapangalan ko sa Farm na to.. ngayon finally nakaisip na ko hahaha!” ang simulang pagbabahagi ni Brenda.

“Since ito ay mula pa sa Pangarap ko na gusto kong bilhin nung bata pa ako.. pinagtrabahuan ko talaga at pinaghirapan…ngayong nabili ko na sya at inaayos para maging Farm… i decided to name it ‘HINAGUAN.’

“Ang Hinaguan Farm ay hango sa isang salitang hago or it means pagod. Ibig sabihin sa Tagalog, pinaghirapan.

“In English, fruit of labor na kung saan lahat ng meron ako ngayon ay dahil sa pagod at hirap, dugo at pawis na inalay ko sa aking bansa. Ano raw?” ang birong chika pa ng komedyante.

Kasunod naman nito ay may pa-visual tour pa si Brenda sa kanilang farm na pinusuan at ni-like din ng sandamakmak na netizens.

Puro magagandang reaksyon naman mula sa mga FB users ang nabasa namin sa post ni Brenda.

“Hi Brenda I’m so proud of you.. you always have goal for your self and family EVERYTIME na kumikita ka. Sana lahat ng bloggers katulad mo.”

“Congratulations po Madam Brenda sa iyong HINAGUAN FARM, you are such an inspiration, pangandoy sad na nko, in God’s perfect timing. Keep on aiming high and soaring high.”

Malayo na talaga ang narating ni Brenda mula noong sumali siya sa “Ms. Q&A” ng “It’s Showtime” kung saan umabot siya bilang grand finalist.

Naging housemate rin siya sa Kapamilya reality series na “Pinoy Big Brother” noong 2021 kung saan nagtapos naman siya bilang 5th Big Placer.

Brenda Mage umalma sa mga nagsasabing uhaw siya sa exposure: Tama po kayo sa lahat

Kaya bang tumira ni Bea sa farm kapag wala na siya sa showbiz?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending