Kaya bang tumira ni Bea sa farm kapag wala na siya sa showbiz? | Bandera

Kaya bang tumira ni Bea sa farm kapag wala na siya sa showbiz?

Reggee Bonoan |May 16,2021
facebook
share this

Kaya bang tumira ni Bea sa farm kapag wala na siya sa showbiz?

Reggee Bonoan - May 16, 2021 - 03:07 PM

GUEST na naman ni Bea Alonzo ang kanyang nanay na si Mary Anne Ranollo sa kanyang bagong vlog na in-upload nitong Sabado ng gabi.

Kasalukuyang nasa pag-aaring Beati Farm pa rin si Bea para makatulong na rin sa mga gawain doon habang wala pa siyang showbiz commitment.

Aniya sa simulang bahagi ng vlog, “Happy weekend! I’m sharing with you how my mom bosses me around to do farm errands. Ganito ba kayo ng nanay mo?

Join me as I show you the typical day ng pinakamamahal natin na si Madam M!”

Si Bea ang nagda-drive sa Ebike Golf Cart kasama ang mommy niya at tiyuhing kasama ang pamangkin na anak ng kapatid niyang si James Carlos sa asawang si Thalia Agbayani na anak naman ng komedyanteng si Bayani Agbayani.

Lilibutin nila ang Beati farm na nasa 16 hectares ang sukat. “So ito talaga ang ginagawa mo ‘ma,” tanong ng aktres sa ina.

Sabi naman ng mommy niya, “Ito, iikot, titingnan ko kung ano ang puwedeng ipaligpit kasama na rin (apo) sa pamamasyal. Tapos ang mga saging ipapalipat ko eventually ilalagay ko sila sa iisang lugar.

“Itong next project ko para maarawan, gagawa ako ng ibang mga tanim gusto ko sana maraming coconut (trees).

“Tapos pagbalik mo, magha-harvest naman tayo at gagawa ka ng dessert para sa akin gamit ang manga,” aniya pa.

Nabanggit ni Bea na masarap daw magluto ng sinigang na tilapya sa mangga ang nanay niya, “Yes, isda kasi may tilapia (fishpond), ibalik natin ang manggang hilaw,” sambit ng ina.

Hindi makapaniwala si Bea dahil ang alam niya ay sampalok ang inihahalo sa sinigang.

Bumaba sila sa mango grove na marami nang bunga, “Nagsisimula na ang season ng manga, abot kamay lang.  Magandang mag mango-picking tapos lutuin natin.”

Ipinakita rin ang mga alagang baboy na buntis na, pati mga bibe na nanganak na rin at maraming baka na nakaabang sa kanilang pagdating dahil papakainin na sila na ginawa naman ng aktres na naninibago dahil unang beses niya itong ginawa na gamit ang pala.

“Next time ilista mo lahat ng gagawin ko,” say ng dalaga sa ina.

May ipinagawang bagong bahay din ang ina ng aktres para sa staff nila sa Beati Farm na mismong siya ang nag-landscape.

Tanong ng nanay ni Bea, “Ate gusto mo bang magtanim? Gusto kitang pagtanimin dito para may ambag ka para everytime na babalik ka rito makikita mo at sasabihin mo, ‘ay ako ang nagtanim nito.’”

Nagulat si Bea na ang mga buto ng atis na pinagkainan pala niya noon ay itinamin ng ina at hayun, malaki na ito. “Yes palalagyan ko ‘yan ng pangalan mo,” sambit ng ina.

Dagdag pa, “Kaya mo bang tumira rito sa farm Bea Alonzo? Pag hindi ka na artista?”

“Kaya naman, kaya lang walang signal dito,” anang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Meron naman hanap ka lang (spot) banda roon. Pag nagtagal, magkakaroon na rin,” katwiran ng ina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending