Francine Diaz, Seth Fedelin nagpakitang-gilas sa 'It’s Your Lucky Day', pinuri ng madlang pipol bilang mga host | Bandera

Francine Diaz, Seth Fedelin nagpakitang-gilas sa ‘It’s Your Lucky Day’, pinuri ng madlang pipol bilang mga host

Ervin Santiago |October 16,2023
facebook
share this

Francine Diaz, Seth Fedelin nagpakitang-gilas sa ‘It’s Your Lucky Day’, pinuri ng madlang pipol bilang mga host

Ervin Santiago - October 16, 2023 - 10:56 AM

Francine Diaz, Seth Fedelin nagpakitang-gilas sa 'It’s Your Lucky Day', pinuri ng madlang pipol bilang mga host

Seth Fedelin at Francine Diaz

TODO ang pasasalamat ng Kapamilya loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa lahat ng mga nanood sa pilot episode ng kanilang noontime show na “It’s Your Lucky Day.”

Ang nasabing programa ang pansamantalang pumalit sa “It’s Showtime” na na-suspend ng 12 days matapos parusahan ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Maraming manonood ang pumuri sa tambalang FranSeth dahil kahit first-timers pa lang bilang noontime show host ay nagpakitang-gilas na sila agad sa harap ng madlang pipol.

Hindi raw nagpalamon at nagpatalbog sina Francine at Seth sa mga pambatong hosts ng ABS-CBN tulad nina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Cantiveros.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


Ang iba pang hosts ng “It’s Your Lucky Day” na nagpaligaya sa mga manonood ay sina Shaina Magdayao, Jennica Garcia, Petite, Tetay, Negi, at Long Mejia.

Baka Bet Mo: Sam, Lovi, Anne pwedeng-pwede sa Pinoy version ng hit K-drama na ‘It’s Okay To Not Be Okay’

“Nakakataba po ng puso kasi hindi naman po talaga ako nagho-host and para isali nila kami dito sa It’s Your Lucky Day, sobrang laking bagay nu’n para sa akin. Pagkatiwalaan nila kami sumali sa noontime show,” ang pahayag ni Francine sa isang panayam.

Sey naman ni Seth, “Sobrang nakaka-overwhelm dahil sobrang blessed at grateful ako dahil pati hosting nabibigyan ako ng opportunity na ipakita kung kaya ko mag-host.

“It’s a challenge din sa akin kaya at the same time kinakabahan din ako dahil parang first time ko lang din ito gagawin, mag-host ng live at noontime pa so maraming nanunuod,” dagdag ng Kapamilya youngstar.

Kuwento pa ni Francine, nararamdaman pa rin daw niya ang nerbiyos kahit natapos na nila ang pilot episode ng programa na talaga namang nag-trending at nag-viral sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagpasalamat din ang dalaga kina Luis at Melai dahil talagang tinutulungan sila nang bonggang-bongga at binibigyan pa ng tips pagdating sa hosting.

“Nandoon pa rin yung kaba nawawala lang kasi magaling yung mga kasama namin. Lalo na si Kuya Luis at si Ate Melai, ginagabayan nila kami.

Baka Bet Mo: Sam, Lovi, Anne pwedeng-pwede sa Pinoy version ng hit K-drama na ‘It’s Okay To Not Be Okay’

“Everytime na nagsasabi ako sa kanila or kami ni Seth na ‘paano po ba to? Paano yung ganyan?’ sila na po mismo yung lumalapit sa amin, nagbibigay ng advice kung ano yung pwede namin gawin para mas mapabuti yung show,” chika pa ni Francine.

Sabi naman ni Seth talagang kinarir niya ang kanyang performance sa naturang programa para hindi mapahiya sa mga bossing ng ABS-CBN at sa mga manonood.

“Sa totoo lang, sobra ako kinabahan at tinignan ko lang yung mga kasama ko du’n na nakangiti lang sila at ngumiti din ako, ipinakita ko kung sino ako kaya happy na natapos namin yung pilot episode ng It’s Your Lucky Day,” sabi pa ni Seth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “It’s Your Lucky Day” tuwing tanghali sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN at GTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending