Melai Cantiveros super thankful sa ‘It’s Showtime’ family

Melai Cantiveros super thankful sa ‘It’s Showtime’ family: ‘Hinayaan nila kami na alagaan muna ang madlang pipol’

Pauline del Rosario |October 15,2023
facebook
share this

Melai Cantiveros super thankful sa ‘It’s Showtime’ family: ‘Hinayaan nila kami na alagaan muna ang madlang pipol’

Pauline del Rosario - October 15, 2023 - 11:55 AM
Melai Cantiveros super thankful sa ‘It’s Showtime’ family: ‘Hinayaan nila kami na alagaan muna ang madlang pipol’
PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

PARA sa comedienne-actress na si Melai Cantiveros, isang karangalan ang maging parte ng bagong variety show na “It’s Your Lucky Day.”

Magugunita na ang nasabing programa ay magtatagal lamang ng dalawang linggo habang naka-12 day suspension ang noontime show na “It’s Showtime.”

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Melai ang ilang pictures ng “It’s Showtime” family at kalakip niyan ay ang kanyang mensahe ng pasasalamat.

“Kamsamiii sa @itsshowtimena family na siyempre family natin ng tunay, pero dahil nga truly kapamilya talaga tayo, Mag I-ItsShortime muna, na kami ‘yun at ito ay ang #ItsUrLuckyDay,” wika niya sa post.

Caption pa niya, “Tapos babalik din ang ating bigatin na mga kapamilya ng @itsshowtimena hehehehhehe.”

Naging special mention pa ni Melai ang TV host na si Vice Ganda dahil nabigyan daw siya ng pagkakataon na alagaan ang madlang pipol sa pamamagitan ng bagong show.

“Gusto ko lang i-shout out ang @itsshowtimena family lalo na kay meme Vice @praybeytbenjamin na hinayaan muna kami ang aalaga sa kanilang tahanan at sa kanilang madlang people na ang tawag naman namin ay mga ‘Ka-Lucky’ [red heart emoji],” ani ng komedyana sa post.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros ‘napabulagta’ nang makita ang ultimate crush na si Jericho Rosales

          View this post on Instagram                      

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

Ang “It’s Your Lucky Day” ay nagsimula na noong October 15 at nakatakdang matapos ng October 28.

Noong October 13, nagsama-sama sa stage sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Jhong Hilario, Karylle, Ogie Alcasid, Ion Perez, Amy Perez, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta at Cianne Dominguez upang magbigay ng mensahe sa kanilang madlang pipol.

Kasabay ng kanilang pansamantalang pamamaalam at pagpapasalamat sa viewers ay tiniyak din nila na magbabalik ang noontime show matapos tuparin ang 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“Madlang people, we’ll be right back! Mami-miss namin kayo pero mabilis lang ‘yan,” saad ni Vhong sa closing segment ng programa.

Matatandaang ang 12-day suspension ng MTRCB sa “It’s Showtime” ay dahil sa kontrobersyal na pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing na diumano’y sa pamamagitan ng malaswang pamamaraan sa harap ng mga batang kasama sa segment na “Isip Bata.”

Naghain ng Motion for Reconsideration ang Kapamilya noontime program ngunit hindi ito pinagbigyan ng MTRCB.

Bukod kay Melai, ang mga nagsilbing host ng “It’s Your Lucky Day” ay sina Luis Manzano, Robi Domingo, Jennica Garcia, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Francine Diaz at Seth Fedelin.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coleen Garcia aminadong nawalan ng ugnayan sa ‘It’s Showtime’ family, pero…

Vice Ganda: ‘Bagay si Barbie sa It’s Showtime, I love her vibe!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending