Coleen aminadong nawalan ng ugnayan sa ‘It’s Showtime’ family

Coleen Garcia aminadong nawalan ng ugnayan sa ‘It’s Showtime’ family, pero…

Pauline del Rosario |September 21,2023
facebook
share this

Coleen Garcia aminadong nawalan ng ugnayan sa ‘It’s Showtime’ family, pero…

Pauline del Rosario - September 21, 2023 - 12:08 PM

Coleen Garcia aminadong nawalan ng ugnayan sa ‘It’s Showtime’ family, pero…

PHOTO: Instagram/@coleen

ITINANGGI ng TV host-actress na si Coleen Garcia na may “bad blood” o sama ng loob sa pagitan ng Crawfords at “It’s Showtime” family.

Ito ang nilinaw mismo ng aktres matapos siyang tanungin ng ilang miyembro ng entertainment press sa naganap na Black Carpet ng Preview Ball 2023.

Pero aminado naman si Coleen na nawalan sila ng ugnayan at koneksyon sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Ayon pa sa kanya, normal lamang sa mga magkakaibigan na magkalayo upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ganito, aniya, ang nangyari sa kanya at sa kanyang mister na si Billy Crawford na talagang nahirapang makipag-ugnayan sa kanilang mga kaibigan noong mga panahon na ‘yun.

Baka Bet Mo: Coleen Garcia mas nae-enjoy na ang pagiging nanay ngayong 3 years old na si Amari: ‘Motherhood is really fun’

“We kind of drifted apart, it’s really hard to keep in touch naman talaga with everybody,” sey niya.

Chika niya, “I wouldn’t say it’s just the same as before na araw-araw kaming nagkikita… Ngayon, bihira ko na lang talaga silang makita.”

“‘Di naman sila gaanong naga-attend [sa Preview Ball] like sina Jugs [Jugueta] or Kuya Kim. So hindi lang naman din sila talaga nakikita,” paliwanag pa niya.

Gayunpaman, hiniling ng aktres na magkaroon ng tsansa na maka-bonding niya ulit ang dating “It’s Showtime” family.

“Well, sana magkita kami. Hindi pa kami nagkikita,” saad niya sa interview.

Dagdag pa niya, “Actually, ngayon na lang ako nag-i-event uli, ngayon na lang ako lumalabas ulit.”

“I’m starting to reconnect with old friends. Hopefully, makita ko sila uli,” ani pa ni Coleen.

Nang tanungin naman siya patungkol sa tampuhan ng kanyang asawa na si Billy at komedyana na si Vice Ganda.

Ang sagot niya, mas mainam na direktang tanungin ang dalawa.

“Kung ano man ‘yun, sa kanila na ‘yun, mas okay na sila na lang ang tanungin niyo,” saad niya.

Paglilinaw pa niya, “Pero kung sa amin at sa kanila as a whole, as of now, wala naman.”

Related Chika:

Bianca Manalo nilinaw ang isyu ukol sa pagkakaroon ng love child: Wala po akong anak sa pagka-dalaga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine Mendoza pinabulaanang ipapalabas sa TV ang kasal nila ni Arjo Atayde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending