Bianca Manalo nilinaw ang isyu ukol sa pagkakaroon ng love child: Wala po akong anak sa pagka-dalaga | Bandera

Bianca Manalo nilinaw ang isyu ukol sa pagkakaroon ng love child: Wala po akong anak sa pagka-dalaga

Therese Arceo |May 28,2022
facebook
share this

Bianca Manalo nilinaw ang isyu ukol sa pagkakaroon ng love child: Wala po akong anak sa pagka-dalaga

Therese Arceo - May 28, 2022 - 12:03 PM

Bianca Manalo nilinaw ang isyu ukol sa pagkakaroon ng love child: Wala po akong anak sa pagka-dalaga

ITINANGGI ng aktres at dating beauty queen na si Bianca Manalo ang balitang nagkaroon na siya ng anak sa pagkadalaga.

Nagsimula ang isyu na ito matapos mag-comment ng isang netizen sa isa sa mga Instagram posts niya kasama ang nobyong si Sen. Sherwin Gatchalian.

“So very thankful, Incredibly grateful, Unbelievably blessed, Navine’s sweet 16 [smiling face emoji] Sherwin’s niece,” saad ni Bianca sa caption.

Isang netizen naman ang nag-akala na ang binati ng aktres ay ang kanilang anak na agad namang sinabihan ng kapwa netizen na basahing maigi ang nakasaad sa caption.

Siguro ay napansin rin ito ni Bianca ang comment ng netizen kaya naman agad niyang nilinaw ang isyu.

Sa kanyang Instagram story ay sinabi nito na hindi nila anak ang mga bata na ipino-post niya sa social media.

“Okay guys. Just to set things straight and clear. Every time Sherwin and I will post a photo with a child, either he or she is his or my nephew or niece. Our genes are so strong, and we can’t deny that,” saad ni Bianca.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo)

Dagdag pa niya, “Wala po akong anak sa pagka-dalaga at wala rin pong anak si Sherwin sa pagka-binata.”

Matagal nang magkarelasyon ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang sinasabi o inaanunsyo kung kailan ang magiging kasal nila.

Marahil ay pinag-iisipan pa nilang mabuti ang kanilang magiging susunod na hakbang lalo na at hindi rin biro ang desisyon ng pagpapakasal

Related Chika:
Bianca inuurot na magsalita laban kay Toni, pero di bumigay: Hindi lang sabay-sabay, kundi sama-sama tayong aangat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Interior designer waging Miss Universe-Philippines; sister ni Bianca Manalo kinoronahang Binibining Pilipinas-Globe

Bianca Manalo, 2 kapatid sasali sa Guinness

Bea umamin: Takot na takot akong mag-30, parang iniisip ko, ‘Ano nang next na gagawin ko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending