Coleen Garcia ayaw nang tumodo sa pagpapa-sexy: 'It’s not because nag-asawa ako o may anak na ako...' | Bandera

Coleen Garcia ayaw nang tumodo sa pagpapa-sexy: ‘It’s not because nag-asawa ako o may anak na ako…’

Ervin Santiago |August 06,2023
facebook
share this

Coleen Garcia ayaw nang tumodo sa pagpapa-sexy: ‘It’s not because nag-asawa ako o may anak na ako…’

Ervin Santiago - August 06, 2023 - 11:27 AM

Coleen Garcia ayaw nang tumodo sa pagpapa-sexy: 'It’s not because nag-asawa ako o may anak na ako...'

Carlo Aquino at Coleen Garcia

KAHIT ayaw nang magpa-sexy o gumawa ng love scenes sa kanyang mga acting projects, hindi pa rin it maiiwasan ng celebrity mom na si Coleen Garcia.

Para sa aktres, “awkward” at “weird” ang pakikipaghalikan at paggawa ng love scene sa serye at pelikula lalo na kung first time lang niyang makakatrabaho ang kanyang co-star.

Si Coleen ang bida sa six-part original series na “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” kasama si Carlo Aquino na mapapanood sa Viva One streaming site simula sa August 21.

Ka-join din nila rito sina Ryza Cenon, Jerome Ponce, Kiko Estrada at Rhen Escaño.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Gaganap na engaged couple sina Coleen at Carlo sa kuwento ng “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” na haharap sa mga challenges habang naghahanda para sa kanilang kasal.

Kuwento ni Coleen sa presscon ng kanilang digital series, may ilang intimate scenes silang ginawa ni Carlo pero hindi naman daw ito malala tulad ng mga ginawa niya sa kanyang past projects.

“Ako kasi, iniiwasan ko na, di ba? Sinabi ko naman sa mga interviews na ayoko masyadong magpaka-sexy because I wanted a change of direction also in my career. It’s not because nag asawa ako or may anak ako.

Baka Bet Mo: JC Santos enjoy na enjoy ang pagiging tatay: Nakikita mo ‘yung nagiging personality niya

“And it’s not something that I look forward to. In fact, it’s something that I dread kasi kinakabahan ako, ‘Sana maging okay. Sana hindi maging awkward.’ It’s awkward.

“If you guys can imagine, like imagine, nag-uusap lang kayo ng co-star mo tapos maya-maya kailangan mo siya i-kiss. Di ba, sobrang weird? It’s not natural,” pahayag ni Coleen.

Pero aniya, kung kailangan naman daw talaga sa istorya, gagawin pa rin niya ito bilang bahagi ng kanyang trabaho, “Ang selfish ko naman kung yung story yung mag-a-adjust para sa akin, or ang corny ko naman din kung hindi ako mag-a-accept ng project just because may iisang eksena na ganito.

“So it comes with the job as an actor, to be open to scenes like that. Kasi that’s not even the hardest scene that I have to do.

“Ang daming talagang emotionally taxing scenes na mas mahirap diyan, di ba? So, ano naman yung gagawin ko yan as long as my partner is respectful of my boundaries, then it’s okay,” aniya pa.

Nagpasalamat din siya sa asawang si Billy Crawford dahil 100% pa rin ang suporta nito sa pagbabalik niya sa acting pero inamin niya na hangga’t maaari ay hindi na niya ikinukuwento sa aktor at TV host ang tungkol sa mga ginawa niyang intimate scenes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VivaOne (@vivaoneph)


“Actually, hindi ko siya pinaalam. Kinuwento ko siya, nangyari na, tapos na. Kasi he knows naman what to expect, nagawa ko naman na in the past movies. So, it’s not gonna help him if we talk about it. Baka lalo lang siya ma-affect.

“Kasi I’d be lying if I say na hindi siya affected. And sinabi niya rin sa akin yun na, ‘I’d be lying na hindi ako somehow affected when you do that,'” sabi ng aktres.

Dugtong pa niya “I’m so happy na binibigay niya sa akin yung space na to be able to do what I have to do.

“Kasi I’ve never done anything naman para pagdudahan niya ako. I’ve never done anything to break his trust and siya rin naman, I trust him fully also,” chika pa ng aktres.

Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coleen Garcia, Billy Crawford 9 years nang nagpapalitan ng ‘I love you’, may pakilig message para sa isa’t isa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending