Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko! Bandera

Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!

Ervin Santiago |March 28,2022
share this

Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!

Ervin Santiago - March 28, 2022 - 09:23 AM
Billy Crawford, Coleen Garcia at Baby Amari

Billy Crawford, Coleen Garcia at Baby Amari

SA halip na maasar, magalit at ma-turn off, nagpapasalamat pa si Billy Crawford na isang certified kuripot ang asawa niyang si Coleen Garcia.

Nababalanse raw kasi ng aktres at TV host ang kanilang budget para sa lahat ng gastusin nila — mula sa pang-araw-araw nilang  pangangailangan hanggang sa mga gamit ng anak nilang si Baby Amari.

“Ang mga lalaki hindi puwede pagkatiwalaan sa mga pera!” ang natatawang pahayag ni Billy sa isang panayam.

Sabi ng singer-actor at TV host, talagang impulsive buyer siya ngunit medyo nabawasan at nakokontrol na niya ito ngayon nang dahil sa mga paalala at pagbabawal ni Coleen.

“Mahilig ako sa toys. I’m an impulsive person, kaya pasalamat ako sa Diyos, kuripot ang asawa ko.

“Siya talaga yung, alam mo yung, ‘Psst! Huwag mong bilhin yan. Bakit mo bibilhin yan? Kailangan natin pang ganito para kay Amari.’ Tapos sasabihin ko naman sa kanya, ‘Tama ka, love!’” chika pa ni Billy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


Pagpapatuloy pa niya, “You need that balance in your life, eh. And Coleen does that for me. She budgets things very, very well. Si Coleen, hindi naman siya ma-brand na tao, hindi siya ano, she’s a very simple simple woman pero, may class at may taste.”

Never naman daw nila pinag-awayan kahit kailan ang tungkol sa pera lalo na ang pagiging kuripot ni Coleen.

“Ako talaga, simula nu’ng bata pa lang ako, to be honest, I think money is evil. Money is so evil na gusto ng mga tao na magpatayan dahil sa pera. And the only way to survive is to have money.

“Ayokong pananaw yan. Hindi ko ina-idol ang pera. Ang Diyos ang iniidolo ko. At darating at darating ang pera, as long as you work hard for it. Yon lang,” mariing pahayag ng aktor.

Kaya naman todo ang pasalamat niya sa kanyang wifey dahil napakagaling nito pagdating sa pag-handle ng kanilang finances. Isa raw ito sa bonggang discovery niya kay Coleen sa kanilang married life.

Samantala, ngayong medyo maluwag na uli ang ipinatutupad na health protocols sa bansa at unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon ngayong pandemic, isa sa plano ni Billy ang ma-revive ang kanyang international singing career.

“July to August, I’ll be back sa France. I’ll be there for a good month and a half to do a tour again. So, I’m trying to reach and penetrate as much as there is to penetrate. It’s a start of a new beginning for everyone,” aniya pa.

Coleen itinuturing na blessing at ‘hero’ si Billy: Thank you for being you!

Billy tinawag ni Cristy Fermin ng ‘Bully Crawford’; nanawagang itigil na ang ‘LOL’

Billy, Coleen emosyonal sa 1st birthday ng anak na si Amari

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending